Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binay at Grace ang maglalaban

EDITORIAL logoNGAYONG pormal na nagdeklara  si Sen. Grace Poe ng intensiyon na tumakbo bilang pangulo ng bansa, maliwanag na si Vice President Jojo Binay ang mahigpit niyang makakalaban sa darating na 2016 elections.

Sa kabila ng sinasabing malawak na organisasyon at makinarya ang Liberal Party, mananatiling nasa  pangatlong puwesto lamang si  Interior Sec. Mar Roxas sa mangyayaring presidential derby ng tatlong kandidato.

Paghahatian nina Poe at Binay ang boto ng masang Filipino, at pagtitiyagaan naman ni Roxas ang suporta ng mga ilustrado at grupo  ng  mayayaman kabilang na ang ilang tusong negosyante.  Tiyak na iiwan ng milya-milyang boto si Mar nina Poe at Binay sa araw ng halalan.

Magbabago ang political landscape sa nangyaring deklarasyon ni Poe sa kanyang intensiyong pagtakbo bilang pangulo.  Marami ang tatalon mula sa kampo ng LP patungo sa  grupo ni Poe lalo sa mga pro-binsiya o distrito  para masiguro ng local leaders  na  madadala sila ng popularidad ni Poe.

Hindi rin ito malayong mangyari sa kampo ng United Nationalist Alliance o UNA na ngayon palang ay marami na rin nagbabalak na magsagawa ng  tactical alliance sa grupo ni Poe para masiguro ang suporta ng masang botante.

‘Ika nga, balimbingan na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …