Kaliwa’t kanan kasi ang nasusulat na inalok ng Liberal Party si kuya Boy na kumandidato bilang Senador.
Narito ang matagal na naming panayam sa King of Talk,”If ever I’m going to run, gusto ko sa bayan ko kasi I want to give back. Pero as of now, wala sa isip ko, tinanong mo lang ako Reggee kung sakali and I give you a hypothetical answer.
“Dapat kasi pinaghahandaan ang pagpasok sa politika, hindi lang sa pera, dapat mentally, emotionally and physically.
“Kaya kung tatanungin mo ako at this very moment, malabong kumandidato ako o pasukin ang politika, rito muna ako sa showbiz, ha, ha, ha.”
Sa madaling salita, walang planong tumakbong senador si kuya Boy kaya kung totoong inalok siya, ang naging sagot niya tiyak ay, ”No! I’m not interested o pass po ako.”
Pero kung hindi naman totoong inalok siya, eh, walang dapat pag-usapan, unless nabago na ang desisyon ni kuya Boy sa election 2016.
Hmm, madalaw nga ulit si kuya Boy para malaman ang sagot, tama ba Ateng Maricris? (oo nga baka may bago nang desisyon si Kuya Boy—ED)
FACT SHEET – Reggee Bonoan