Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, ‘di raw pinansin si Direk Bobot sa Star Magic Ball

091715 kathryn bernardo bobot mortiz

00 fact sheet reggeeIDINAAN ni Direk Bobot Mortiz sa biro ang tampo niya kay Kathryn Bernardo na rating kasama sa pambatang show na Goin’ Bulilit na ang mismong direktor ang nakaisip ng proyektong ito.

Naging pahulaan sa lahat kung sino ang tinutukoy ni direk Bobot na hindi siya pinansin sa nakaraang Star Magic Ball.

Ang post ni direk Bobot sa kanyang  Facebook account,”First time kong um-attend ng Star Magic ball ang saya, natutuwa ako nakita kong lahat ang mga bulilit kids ko rati. Mga super sikat na sila, lahat lumapit at bumeso sa akin, isa lang ang hindi, ‘pag sumikat ako ‘di rin kita lalapitan. Hehe.”

Ang daming nag-comment at nagsabing si Kathryn ang binabanggit ni direk Bobot at ang dalaga rin ang sinabi mismo sa amin ng taga-Goin’ Bulilit executive.

In fairness, may karapatang magsalita si direk Bobot dahil malaking instrumento siya sa mga artistang sikat ngayon lalo’t brainchild niya ang programang Goin’ Bulilit na nagsimula ang karamihang artista.

Baka naman nasa labas ng ballroom that time si Kathryn kaya hindi niya alam na naroon si direk Bobot?

O sadyang hindi lumapit ang batang aktres dahil nakadikit siya kay Daniel Padilla na buong gabi niyang kasama?

Naku Kathryn, hangga’t maaga ay ayusin mo na si direk Bobot, ikaw din!

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …