Katulad ng No Harm, No Foul na na-approve raw hanggang 2nd season na dapat ay hanggang Disyembre 2015, pero hanggang Oktubre na lang kaya apat na linggong episode na lang ito mapapanood.
Dissolved na raw kasi ang buong entertainment ng TV5 na pawang line produced na lang ang mangyayari kaya masuwerte ang mga artistang kasama sa LolaBasyang.com at #ParangNormalActivity dahil dire-diretso lang ang trabaho nila na line-produced ngIdeaFirst nina direk Jun Robles Lana at Perci M. Intalan.
Maging ang My Fair Lady ni Jasmin Curtis-Smith ay hanggang Nobyembre na lang na kasisimula palang ay may taning na kaagad at good news dahil back to work na pala si direk Ricky Rivero dahil siya pa rin ang nagdidirehe nito.
Oo nga, anong mangyayari sa Artista Academy artists? Hindi pa man sila sumisikat ay mawawalan pa sila ng venue para makilala, unless kukunin sila ng mga line producer.
Good thing tuloy-tuloy lang ang Happy Truck Ng Bayan dahil ila-line produce ito ni Ms Wilma V. Galvante kasama na ang Wattpad.
Ay, karamihan palang kasama sa mga nabanggit na programa ay produkto ng Artista Academy.
FACT SHEET – Reggee Bonoan