Friday , November 15 2024

Leni Robredo, hamon tatanggapin (Bilang vice president)

NAGLATAG na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ng mga kondisyon para tanggapin niya ang alok bilang pambato ng Liberal Party sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Cong. Robredo, makukuha ng Liberal Party ang matamis niyang “oo” kapag naramdaman siya lang ang karapat-dapat at natatanging kandidato para sa posisyon.

“Kailangan indispensable, that I am the only one who can fill that gap. Ang pagtakbo ko sa Congress, kahit ayaw na ayaw ko, alam ko ako lang ang makaka(fill),” wika ni Cong. Robredo.

“Masasagot ko lang siya ng oo if I feel I am the only one who can do it,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon kay Cong. Robredo, ito ang dahilan kung bakit siya pumayag na tumakbo bilang mambabatas noong nakaraang eleksiyon.

“Pumayag akong tumakbo noon upang matiyak na hindi mahahati ang aking partido at makakapagsimula tayo ng pagbabago sa ating distrito,” paliwanag niya.

Ipapaalam ni Cong. Robredo ang kanyang pinal na desisyon para sa 2016 bago matapos ang buwang ito, kasabay ng paglabas ng survey rating.

Humihingi rin si Cong. Robredo ng gabay mula sa yumaong asawa na si Interior Secretary Jesse Robredo. “Pinagdadasal ko lang na sana tulungan ako, hindi naman na magdesisyon kundi to lead me in the right direction,” wika niya. 

About jsy publishing

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *