Friday , November 15 2024

Market holiday vs privatization ratsada na sa Maynila

NAGSIMULA na ang “Market Holiday” ng mga tindero sa iba’t ibang palengke sa Maynila nitong Lunes.

Kabilang sa nakilahok ang mga tindero sa mga palengke sa Pritil, Sampaloc, Trabajo, Quinta, Dagonoy, San Andres at Sta Ana.

Layon ng Market Holiday na kontrahin ang pagsasapribado ng mga pampublikong palengke sa Maynila.

Nakapaloob ito sa Ordinansa Bilang 8346 na pumapayag sa joint ventures ng Maynila at mga pribadong kompanya.

Pinirmahan ito ni Mayor Joseph “Erap” Estrada noong May 13, 2014.

Aabot sa 17 pampublikong palengke ng Maynila ang nakatakdang maisapribado, bagay na kinokontra ng grupong SAMPAL (Save Manila Public Market Alliance).

Idiniin ng grupo na hindi sila tutol sa pagbabago ngunit umapela silang huwag isapribado ang kanilang puwesto sa palengke dahil tiyak na tataas ang renta nila sa mga ito.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *