Sunday , December 22 2024

2 pusher todas sa shootout sa Kyusi

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher na mga miyembro ng Samuel drug group na kumikilos sa Quezon City makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezo City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa buy-bust operation sa lungsod kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo Tinio, QCPD Director, kinilala ang mga napatay na sina alyas Alvin at alyas Mar.

Ayon kay Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng DAID Special Operations Task Group, dakong 4 a.m. nang maganap ang shootout sa kanto ng Mindanao Avenue at Belfast St. Regalado, Brgy. Greater Fairview.

Aniya, nakatanggap ang kanyang tanggapan ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidades ng sindikatong tinaguriang Samuel drug group.

Agad nagsagawa ng buy-bust operation ang tropa ni Figueroa at sa aktuwal na transaksiyon ay nakaamoy ang mga suspek sa police operation kaya sila ay nanlaban ngunit gumanti ng putok ang mga awtoridad, nagresulta ito sa pagkamatay ng dalawang salarin.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *