Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex at Ejay, nagkabukuhan na!

071015 Alex Gonzaga Ejay Falcon

00 fact sheet reggeeSASABAK na sa panibagong misyon ang mga karakter ninaAlex Gonzaga at Ejay Falcon sa pagpapatuloy ng kanilangWansapanataym special na I Heart Kuryente Kid ngayong Linggo (Setyembre 13).

Matapos matuklasan ang kanyang kakaibang kakayahan, gagamitin na ni Tonio (Ejay) ang kanyang kapangyarihan upang tulungan ang kanyang bayan mula sa mga magnanakaw na kumakalat dito.

Samantala, sa gitna ng kaguluhan sa bayan ng Unang Liwanag, gagawin ni Penelope (Alex) ang lahat para hanapin ang misteryosong superhero na tumutulong sa mga tao dahil sa kagustuhan niyang makakuha ng promotion sa trabaho.

Matutuklasan na ba ni Penelope na ang superhero na hinahanap niya at ang kababatang si Tonio ay iisa? Ano naman kaya ang gagawin ni Tonio sa oras na malagay siya at ang kanyang pamilya sa peligro dahil sa kapangyarihan niya?

Kasama rin nina Alex at Ejay sa Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sina Miguel Vergara, Bryan Santos, Fourth Solomon, William Lorenzo, Frances Makil-Ignacio,at Tirso Cruz III mula sa panulat ni Philip King at direksiyon ni Andoy Ranay.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Alex at Ejay sa  Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kidngayong Linggo na sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng  Wansapanataym gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.compara sa karagdagang impormasyon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …