Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enrique, personal na humingi ng alak sa FA

050515 enrique gil

00 fact sheet reggeeITINANGGI ni Paulo Avelino na may kinalaman siya kung bakit nalasing si Enrique Gil habang lulan sila ng eroplano patungong London parsa sa ASAP in London produced ngTFC.

Sa ginanap na presscon ng pelikulang Resureksyon ay hindi tinigilan si Paulo ng entertainment press kung ano talaga ang nangyari dahil nga lumabas ang pangalan niya na siya ang nagyayang uminom kay Enrique.

Mahinahong sabi ng aktor, ”yeah, as we all know, lagi naman, eh. Ako, sa mga nasulat sa akin, everything is fabricated and, kumbaga, it’s not the real story.

“Sa akin, kung gusto niyo sigurong malaman ang totoong istorya, mas okay na sigurong manggaling kay Enrique.”

Tama rin naman si Paulo, dapat kay Quen (tawag kay Enrique) manggaling ang kuwento.

Sabi ng eyewitness ay sina Paulo at Jake Cuenca raw ang nagbigay ng alak kay Enrique kasi nga humingi rin ang huli pero hindi siya binigyan ng flight attendant base sa bilin ng road manager.

Kaya ang alak na para kina Jake at Paulo ay ibinigay na lang nila kay Enrique at hindi na nga naman nila sagutin kung nalasing ang huli dahil nasa tamang edad na naman ito para i-handle ang sarili.

Eh, mahina pala ang alcohol tolerance ni Quen, ending, nalasing at nag-ingay at nangulit ng kapwa niya pasahero tulad nina Liza Soberano at Jessy Mendiola.

Katwiran ni Paulo sa pagwawala ni Enrique, ”well, I had nothing to do with it. It’s better talaga to wait for what Enrique’s official statement.”

Sabi pa ni Paulo kay Quen, ”live life. Live life and learn from your mistakes. Go on with life. Mabait naman na bata si Enrique.”

Balikan with KC, ‘di totoo

Samantala, isa pang itinanggi ni Paulo ay ang tsikang nagbalikan na sila ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcionnang nagkita sila sa London.

“Wala. Nagkita lang kami, nag-usap. That’s it,” kaswal na sabi ng aktor.

Sabi pa, ”nag-usap naman kami, and doon, nakapag-usap ulit kami and that’s it.

“Yes, we are, ganoon talaga, if you see each other, nagbabatian kayo.

“Nagkukuwentuhan kayo and that’s it. It’s casual. Its what any other friends would do, same thing.”

Friends lang daw sila ni Maja

At tungkol naman kay Maja Salvador na madalas daw niyang makasama sa gimikan.

“No, no, no, we have common friends, we have a common set of friends na nagkakataon na kapag lumalabas, nagkikita. Me and Maja are friends,” depensa kaagad ni Paulo.

Loveless daw ngayon si Paulo at masaya raw siya dahil marami siyang projects tulad nitong Resureksyon na maganda ang papel niya bilang pulis na makikipaglaban sa lider ng bampirang siIsabelle Daza na kapatid naman ng karelasyon niya sa kuwento na si Jasmin Curtis-Smith.

Interesting ang kuwento ng Resureksyon dahil ngayon lang yata may pelikulang ganito na isang OFW na umuwing isang bangkay pero muling nabuhay dahil nga nahawa ito ng epidemya sa bansang pinagtrabahuan.

Bukod kina Paulo, Jasmin, at Isabelle, kasama rin sina Alex Castro, Raikko Mateo, at John Lapus mula sa direksiyon niAlfonso ‘Borgy’ Torre III produced ng Regal Entertainmentat Reality Films.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …