Friday , December 27 2024

Handler ni Duterte pumalpak

EDITORIAL logoNAGLULUKSA ngayon ang mga supporters  ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. 

Marami ang umasa na sa kalaunan, si Duterte ay magdedeklara ng kanyang kandidatura at tatakbo bilang presidente sa darating na halalan.

Pero binigo sila ni Duterte. 

Kamakailan, tinapos na mismo ni Duterte ang mga espekulasyon at sinabi niyang hindi siya kakandidato bilang pangulo. Hindi lang ang mga supporters ang nagluluksa kundi pati ang mga taong namuhunan at gumastos nang milyon-milyong piso mahikayat lang tumakbo si Duterte.

Pero marami ang nagsasabing pakulo lang daw ito ng mga handler ni Duterte.  Hindi raw talaga totoo ang deklarasyon ni Duterte na hindi na siya tatakbo sa darating na halalan.  

Isang political strategy daw ito para lalong pag-usapan at sa kalaunan ay tuluyang magdedeklara rin  ng kanyang kandidatura si Duterte.

Mukhang maling estratehiya ang ginawa ng mga handler ni Duterte. Marami na kasing naniwala at nakombinsi sa sinabi ni Duterte na hindi na siya tatakbo sa eleksiyon. 

Kaya kung babawiin pa ulit ni Duterte ang kanyang sinabi, hindi na siya paniniwalaan ng publiko.

Kung minsan, sumusobra kasi sa talino ang mga handler ng politiko, kaya napapahamak tuloy ang kanilang kliyente.

Handler ni Duterte pumalpak

NAGLULUKSA ngayon ang mga supporters  ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. 

About Hataw News Team

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *