Nabanggit sa amin ng taga-TV5 na noong bagong pasok daw si Taki ay kaagad siyang pinagkaguluhan ng boys na sina Shaun Salvador, Andrei Garcia, at Paolo Ryle Santiago dahil siyempre baguhan kaya mega-dikit to the max ang tatlong guwapitong cast ng#ParangNormalActivity.
Pero bago pa man napasama si Taki sa nasabing horror/comedy serye ay crush na siya ni Paolo Ryle at matagal na silang magkakilala.
Habang nagte-taping daw ay napansin ng mga taga-production na isa kina Kiray at Ella ang nakasimangot at nagdayalog ng, ”hmp, dumating lang ‘yan (Taki), hindi na ako napansin? Nawala na ang atensiyon sa akin.”
Naloka ang mga nakarinig pero dinedma nila ang narinig nila dahil baka nagbibiro lang daw, pero hanggang matapos daw ang taping at nag-uwian na ay busangot ang isa kina Kiray at Ella.
Susme, isa lang ibig sabihin, super-mega-insecure ang aktres na nagpahayag nito dahil mas maganda sa kanya si Taki na half Filipina at half Japanese.
Ikaw Ateng Maricris, knows mo ba kung sino ang tinutukoy naming insecure, si Kiray o si Ella?
Anyway, nalaman din namin sa taga-TV5 na aprubado na ng management hanggang Season 3 ang#ParangNormalActivity at ang LolaBasyang.com kaya tuloy-tuloy ang trabaho ng buong cast.
Loaded daw sa commercials ang dalawang shows bukod pa sa positibo ang feedbacks mula sa viewers at advertisers.
Bongga, sana lahat ng programa ng TV5 ganito at hindi agad-agad ipinu-pull out.
FACT SHEET – Reggee Bonoan