Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty, out na sa Ningning at isa pang project dahil buntis daw

091115 Beauty Gonzalez

00 fact sheet reggeeISA sa mga araw na ito ay hindi na mapapanood si Beauty Gonzales bilang nanay ni Jana Agoncillo as Ningningdahil kailangan na siyang patayin sa istorya.

Ang dahilan, limang buwan ng buntis si Beauty sa non-showbiz boyfriend niyang art collector.

Matagal na naming nababasa thru blind item ang isang aktres na malapit ng mawala sa show nito dahil buntis.

At kahapon ay ipinost ng kilalang blogger ang Instagrampost ni Beauty na kinunan ang sarili pero nahagip nito ang malaki niyang tummy kaya nabuking at lahat ng nag-comment ay binanggit ang pangalan ng aktres.

Nabanggit pa ng isang follower na alam niyang buntis si Beauty dahil nga sa lugar nila nagte-taping ang Ningning.

Bukod dito ay na-intebyu si Ketchup Eusebio na gumaganap na asawa ni Beauty sa serye ay may major cast daw sa Ningning ang mawawala at hindi naman niya sinabi kung sino.

Curious kami kung ano ang mangyayari sa kuwento, kung mag-aasawa ulit si Ketchup dahil mahirap lumaking walang nanay si Ningning o ang lola Sylvia Sanchez na lang niya ang magpapalaki sa kanya at si Teacher Hopenaman ang nanay-nanayan niya sa eskuwelahan na ginagampanan ni Ria Atayde.

Hmm, hindi naman siguro si Ria o Teacher Hope ang magiging kapalit ni Beauty sa puso ni Ketchup, di ba Ateng Maricris?

Going back to Beauty ay hindi ba siya nanghinayang dahil balita namin ay extended ang Ningning, eh, hindi ba’t gusto niyang magkaroon ng maraming projects? Bukod sa seryeng ito ay may isa pa siyang gagawin yata.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …