Ghost employees wala sa Makati (Giit ng appointee ni Acting Mayor Peña)
Hataw News Team
September 10, 2015
News
IGINIIT ng isang city official na itinalaga ni Acting Makati Mayor Romulo Peña na walang ‘ghost employees’ sa City Hall, pinasinungalingan ang alegasyon na ipinahayag sa media ng acting mayor at kanyang mga kaalyado.
Ayon kay City Councilor Mayeth Casal-Uy, ang kasalukuyang officer-in-charge ng Human Resource Development Office (HRDO) na si Doris Villanueva ay diretsang tinanong ng mga miyembro ng City Council kung mayroong ghost employees sa city government payroll sa isang joint committee meeting ng City Council nitong nakaraang linggo.
Sinabi ng konsehal na malinaw ang sagot ni Villanueva: “Wala,” dagdag niya: “Sa pagkakaalam po namin wala tayong ghost employees. Lahat po kasi sila pumupunta sa COA.”
Sinabi ni Casal-Uy na ang tinutukoy ng HRDO OIC ay ang periodic check na ginagawa ng COA-Makati office sa casual employees, pinapupunta sila nang personal sa kanilang tanggapan para matiyak na sila’y totoo bilang lehitimong manggagawa.
Si Villanueva, kasama ang OIC ng Budget Department, ay nakipagpulong sa city councilors para talakayin ang proposed ordinance sa funding allocation para sa pagkakaloob ng Productivity Enhancement Incentive (PEI) sa qualified city employees.
Sinabi ni Casal-Uy na unfair sa kanila ang kampo ni Peña na gumagawa ng impression na siya at kanyang mga kasamahan ang basta nag-apruba sa naturang ordinansa.
“It is actually the acting mayor who owes an explanation to the city government workers for his inconsistent actions,” sabi niya.
“The acting mayor seems to be out of his depths, and so are his underlings. At the outset, they have made no bones about accusing the Binay administration of coddling some 3,000 ghost employees. Now here they are trying to railroad the Council’s approval on the appropriation of funds computed based on the existing roster of employees, which they themselves claimed to be riddled with ghosts,” sabi ni Casal-Uy.
Sinabi niyang ang “wild allegations about ghosts” mula sa kampo ni Peña ay nagtulak sa City Council para salaing mabuti ang proposed appropriation.
“Far from deliberately delaying the approval of the incentive payout, the City Council is merely observing due diligence to ensure full compliance with Executive Order No. 181 and COA guidelines,” sabi ng Konsehala.
Sinabi ng lady councillor, bago pa masuspinde si Mayor Jun Binay, ipinaalam ng alkalde sa City Council noong kaagahan ng Hunyo ang tungkol sa kanyang intensiyon sa pagbibigay ng PEI.
“This is another instance of credit-grabbing that seems to have become a habit of the acting mayor,” aniya.
Pagkatapos ng miting, sinabi ni Casal-Uy na ipinaalam sa City Council ni Acting City budget officer Aileen Soriano na hindi na kailangan mag-adjust sa initial proposed amount na P131 milyon para sa incentive, katumbas ng isang buwang basic salary.
“The OIC of the Budget Department told us that the initial proposal needed to be adjusted to cover the salary increases of employees who have been granted permanent status or promoted before Mayor Binay stepped down. Thus, we will have to wait for the revised proposal before we can proceed with the approval of the ordinance,” ani Casal-Uy.