Friday , November 15 2024

Business tycoon lusot sa P6.6-B sin taxes

INILIGTAS ng Korte Suprema sa kaso ng P6.6 billion sin taxes ang business tycoon na si Lucio Co, sinasabing sangkot sa smuggling ng sigarilyo at alak.

Sa botong 3 laban sa 2 ng Supreme Court 3rd  Division, sinabi ng korte na si Co ay saklaw ng tax amnesty at ang kanyang negosyong Puregold Duty Free sa Clark Economic Zone (CEZ) ay libre sa buwis CSEZ).

Ang nasabing ruling ay ‘promulgated’ noong Hunyo 22, 2015 ngunit nito lamang Setyembre 1, 2015 isinapubliko.

Sinabi sa desisyong isinulat ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr., hindi sangkot sa smuggling ang Puregold ni Co nang mabigo siyang magbayad ng P2,780,610,174.51 value added tax at excise taxes, alinsunod sa ‘assessment’ ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Habang lumobo sa P6.6 bilyon ang P2.7 bilyon  tax assessment ng BIR dahil sa surcharges and interest, at 20 deficiency interest.

Bukod kay Velasco, sina Justices Diosdado Peralta at Bienvenido Reyes ay pumabor din sa business tycoon habang pumalag sa majority decision sina Associate Justices Martin Villarama Jr., at Jose Catral Mendoza.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *