Friday , November 15 2024

13-anyos bebot minolestiya ng senglot

NAHIMASMASAN sa kulungan ang isang lasing na manyakis makaraang kaladkarin patungo sa himpilan ng pulisya ng ama ng 13-anyos dalagitang kanyang minolestiya sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Anthony Lugtu, 35, padyak driver, residente ng Paltok St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviouness.

Batay sa ulat ni SPO2 Arlene Alvero, ng Women and Children Protection Desk ng Navotas City Police, dakong 2 a.m. nang maganap ang pagmolestiya ng suspek sa biktima sa bahay ng dalagita sa Roldan St., ng nasabing barangay.

Nauna rito, kainoman ng suspek si Michael, ang ama ng biktimang si Jane.

Nang malasing ay hindi na pinayagan ni Michael na umuwi si Lugtu at sa kanilang bahay na lamang pinatulog.

Ngunit pagkaraan, nagising na lamang ang biktima na nasa tabi niya ang suspek at kinakalikot ang kanyang kaselanan dahilan upang humingi ng tulong ang dalagita sa kanyang ama.

Bunsod nito, kinaladkad ni Michael si Lugtu patungo sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kaso.

About Hataw News Team

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *