Monday , November 18 2024

Hitler, nakatakas daw mula sa Germany?


NOONG Abril30, 1945, habang kinukubkob na ng Allied Forces and Nazi Germany, nagpatiwakal umano sina Adolf Hitler at ang kanyan maybahay sa loob ng isang bunker sa Berlin—tulad ng sinasabi sa kasaysaya ng Ikalawang Digmaang Pandaidig.

Ngunit ngayon ay sinasabi naman ng isang British historian na ang aktuwal na pangyayari ay itinakas ang Führer mula sa Germany ng kanyang mga comrade sa maituturing na malaking cover-up para malinlang ang mundo sa binansagang ‘duplicitous deception.’

Ayon kay Gerrard Williams, isang British journalist, author at historian, may malaking kamalian sa mga record na nagkompirma sa pagkamatay nina Hitler at asawa niyang si Eva Braun, dahil na rin sa nabigong ihayag ng mga Ruso ang kanilang pagkakadiksubre umano ng mga bangkay ng mag-asawa nang bumagsak ang Berlin sa kanilang puwersa noong 1945.

“Naniniwala akong ang tunay na Hitler at ang kanyang maybahay ay itinakas mula sa bunker. Hindi sila nagpakamatay, pinagsinungalingan tayo at hanggang ngayon ay isang kasinungalingan ang ating alam,” punto ni Williams.

Habang sa mga opisyal na record ay nagpatiwakal si Hitler sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa ulo habang si Eva Braun nama’y uminom ng cyanide pill, ipinilit ng British historian na ang totoo’y mga kamukha lang ng dalawa ang natagpuang mga bangkay na sinunog sa loob ng bunker sa Berlin.

“Suportado ang teoryang ito ng ilang mga eyewitness na nagsasabing wala silang nakitang nabaril. Hindi rin nila nakita ang Führer at ang kanyang asawa na pumasok sa loob ng kanilang pribadong silid sa loob ng bunker. Nakakita sila ng mga bangkay na inilabas mula dito ngunit hindi sina Hitler at Eva na patay nang pareho,” dagdag ni Williams.

Sinabi rin na hindi pinaniniwalaan ng U.S. Federal Bureau of Investigation (FBI) ang pagkamatay ni Hitler kaya pinaghahanap siya sa iba’t ibang sulok ng mundo.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *