Sunday , December 22 2024

2 sugatan sa rambol sa inoman

KAPWA sugatan ang isang security guard at isang 17-anyos binatilyo makaraan ang naganap na rambol ng mga nag-iinoman kamakalawa ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Tinamaan ng saksak sa kaliwang braso at mukha ang biktimang si Roy Escasinas,17; habang may hiwa sa ulo si Marlon Ervas, security guard, 26, ng 855 Prudencia St., Dagupan St.,Tondo, Maynila, makaraan hatawin ng bote ng beer.

Ayon kay SPO2 Virgilio Balagtas, ng Manila Police District-Police Station, naganap ang insidente dakong 2 a.m. malapit sa bahay ng biktimang si Ervas.

Napag-alaman, nag-iinoman ang grupo ng mga biktima habang nag-iinoman din ang grupo ng mga suspek sa pangunguna ni  alyas Jayson sa kabilang bahagi ng kalsada.

Nagsimula ang kaguluhan nang mairita ang grupo ng mga biktima sa ginawang pagpapapansin ng grupo ni Jason.

Pagkaraan ay nagpang-abot ang dalawang grupo na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang biktma.

Natigil lamang ang gulo nang sumugod ang mga residente sa lugar para awatin ang dalawang panig.

Isinugod ang dalawang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center habang tumakas ang grupo ni Jayson.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *