Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilabot ng kolehiyala na si Michael, nakabuntis!

090415 michael pangilinan

00 fact sheet reggeePINATUNAYAN talaga ni Michael Pangilinan ang pagiging Kilabot ng mga Kolehiyala niya dahil sa edad na 19 ay magiging tatay na siya sa Disyembre ngayong taon.

Yes Ateng Maricris, magiging tatay na ang baby boy ng katotong Jobert Sucaldito na hindi namin nakitaan ng pagsisisi dahil nga bata pa siya at higit sa lahat, papausbong palang ang karera niya as a singer maski na ilang beses na niyang napuno ang Zirkoh, Casino Filipino, Teatrino, at Music Museum.

“Excited nga po ako,” ito ang magandang ngiti ni Michael nang maka-tsikahan namin sa launching ng ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar na ginanap sa 13th floor ELJ Building kahapon.

“Na-excite po ako kung ano ang magiging hitsura ng anak ko, ‘yung daddy na ako, excited na akong bumili ng gamit niya, ng gatas, pampers, mga ganoon,” dugtong pa ng binata.

Hindi raw naisip ni Michael na itanggi ang isyu kapag pumutok ang balita at mas lalong wala siyang planong ipalaglag,” handa ko pong panagutan ang bata,” sabi pa.

At mukhang handang-handa naman si Michael sa mangyayari dahil, ”sobrang proud po talaga ako na magiging daddy na ako, una kong nalaman na buntis, wala pong ibang pumasok sa isipan ko kundi itutuloy ko ‘yan, mawala na ang lahat, ayoko lang malaglag, we’re friends po (nanay ng magiging anak niya), sobrang na-excite po ako kasi iniisip ko kung talented ba ‘yung anak ko, sana magmana.

“Iyon po ‘yung mga pumapasok sa akin na ano ang puwedeng mangyari kapag mayroon na akong binibitbit (karga), alam mo ‘yung uuwi ka ng bahay galing ka sa trabaho tapos makikita mo ‘yung anak mo.

“Nang malaman kong ganoon nga (buntis), mas lalo akong ginanahang magtrabaho, hindi ako nanghina na parang ‘ayoko ng magtrabaho’ hindi ganoon, eh. Lalo kong naisip na kailangan kong dumoble ang trabaho para maging maganda ‘yung buhay ng magiging anak ko,” ito ang mga pahayag mula sa isang 19 years old.

Sobrang nakagugulat talaga ateng Maricris dahil kailan lang ay nakikita pa naming batambata pang kumilos si Michael at kung ano-ano pa ang mga ikinukuwentong gustong bilhin para sa sarili na pawang collections at hindi pa niya naisip na mag-asawa dahil mag-iipon pa raw siya at kailangang may bahay na, pero heto bigla-biglang magkaka-baby na pala.

“Oo nga po, eh.  pero masaya po ako,” sabi ng binata.

Sobrang nagpapasalamat si Michael sa manager niyang si katotong Jobert dahil hindi siya iniwan sa oras ng pangangailangan niya at higit sa lahat, pinayuhan siya at tinulungan din siyang magtapat sa magulang niya.

Ayaw ng magkuwento ni Michael ang tungkol sa pagkakakilanlan ng ex-girlfriend niya dahil pareho silang 19 years old at galing sa maayos na pamilya at higit sa lahat, matinong babae raw.

Samantala, excited si Michael sa Your Face Sounds Familiardahil gusto niyang mapasama talaga sa show noong unang season palang dahil gandang-ganda siya at sobrang challenge rin ito para sa kanya dahil nga pointblack kung sino ang gagayahin nila sa show.

Sa tanong kung hindi ba takot si Michael na baka makaapekto sa karera niya kapag hindi siya nanalo saYFSF, ”Hindi naman po, hindi kami natatakot na bumagsak kasi, lahat dito may kanya-kanyang ipinakikita na kaya palang gawin, hindi alam ng tao na kaya pala, kasi kilala ka as a singer, pero may iba ka palang kayang gawin para rito sa show na ito.

“Lahat kami hindi namin inisip na makasisira, kundi makatutulong po sa amin ang show na ito, kasi maiisip ng tao na marunong pala siyang manggaya ng (icon) singers,”kuwento ni Michael.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …