Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Canadian nag-suicide sa hotel (Sarili nilason sa LPG)

MASUSING inimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pagpapakamatay ng isang Canadian national sa loob ng isang hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Ayon sa ulat na isinumite ni SPO3 Milbert Balinggan kay Inspector Paul Dennis Javier, ng MPD Homicide Section, ibinalot ng biktimang si Terrance Gregory McMullin, 42, Canadian, ng 368 Brock Ave,Toronto, Ontario, Canada, pansamantalang nanunuluyan sa Room 108, Amazona Hotel sa 1402 Sta. Monica St. kanto ng MH Del Pilar, Ermita, Maynila, ang kanyang ulo sa plastic bag at inilagay rito ang hose ng maliit na LPG tank saka binuksan hanggang siya ay mamatay.

Ayon kay SPO3 Balinggan, narekober ang suicide note ng biktima sa loob ng safety box, nakasaad na siya ay magpapakamatay dahil sa problema ng kanilang pamilya.

Ayon kay Glenda Rioveros, front desk officer ng Amazona Hotel, 10:50 p.m. nitong Miyerkoles nang matuklasan ang pagpapakamatay ng dayuhan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …