Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Offloaded na kelot tumalon sa NAIA Departure, buhay

NAWALA sa katinuan ang taong nagtangkang magpatiwakal sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3, ito ang tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon kay MIAA spokesman David de Castro, ang pasahero na kinilalang si Samuel Ambato, 25, seaman, ay tumalon mula sa ikatlong palapag ng 3rd departure area curbside at bumagsak – una paa – sa arrival bus station area.

Si Ambato ay nakatakda sanang lumipad patungong Davao sa pamamagitan ng AirAsia nitong Sabado pero ito ay offloaded dahil sa nakitang kakaibang kilos ng pasahero. Dagdag ng MIAA, tumatawa si Ambato bago nakitang humagulgol kaya nag-desisyon ang airline na huwag pasakayin sa kanyang flight. Nakaligtas si Ambato sa natu-rang pagpapatiwakal pe-ro nagkasugat sa ulo, at fracture sa kanyang mga binti at paa.

Agad isi-nugod ang pasahero sa Pasay City General Hospital makaraang malapatan ng pang-unang lunas sa MIAA medical clinic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About G. M. Galuno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …