Maging ang mga sales staff ng kilalang drug store at convenience store sa amin ay maka-Ehla rin at napanood nila sa cellphone nila (hmm, hindi ba bawala ‘yun kasi oras ng trabaho?)
Simula sa blind audition ni Ehla ay napanood namin at oo nga, si coach Bamboo lang ang umikot para sa banana cue kid at hindi naman siya nagkamali dahil ang batang ito ang nagbigay ng unang champion ng Kamp Kawayan.
Halos lahat ng performance ni Ehla para sa amin ay perfect, Tagalog o English songs man ay kaya niyang kantahin.
Marami rin kaming nabasang nagpoprotesta kung bakit si Ehla ang nanalo at hindi sinaEssang o Reynan.
Simple lang, may kayang gawin si Ehla na hindi kinayang gawin nina Essang, Reynan, atSassa.
Kung wala si Ehla ay si Essang de Torres ang gusto naming manalo dahil total package na siya at posibleng maging artista pa pero napansin namin na parang hindi kayang i-sustain ng Tondo Kid ang matataas na nota kung ikukompara sa banana cue girl.
At si Reynan Dal-Anay, wala kaming masabi sa boses, talagang maganda at mataas, pero maraming aayusin sa batang taga-Bukidnon dahil hirap siyang kumanta ng English kung ikukompara mo kina Ehla, Essang, at Sassa Dagdag, at mahabang proseso pa ito.
Samantalang si Sassa ay kakaiba at distinct ang boses niya kung ikukompara sa tatlo, pero namimili kasi siya ng kanta kaya siguro kulelat siya sa text votes.
Nakatutuwa dahil buong mga kakilala namin sa TFC subscribers ay pinanood angTVK2 habang nagtitipa kami at si Ehla ang gustong manalo.
Bagamat nabanggit ni Ehla na hindi niya gagalawin ang P1-M trust fund ay sigurado naman na siya sa kanyang pag-aaral at hindi na siya mamumroblema sa bahay na titirhan nilang mag-iina dahil sa napanalunan nito mula sa Camella Homes worth P2-M at tiyak na siyang may singing career dahil may recording contract na siya sa MCA Music Inc., bukod pa sa music instrument package, at may Isuzu service utility vehicle na magagamit nilang pamilya.
FACT SHEET – Reggee Bonoan