Tanda pa namin na kuwento ng manager ni Liza na si katotong Ogie Diaz na nakakaawa ang kuwento ng dalagita dahil kailangan niyang isakripisyo ang pag-aaral para sa showbiz career dahil nga bread-winner siya.
Kaya nangako sina katotong Ogie at Liza sa isa’t isa na pagtutulungan nilang matupad ng bagets ang pangarap at sa kontrata nila bilang manager at talent ay naka-stipulate na bawal magkaroon ng karelasyon ang dalagita hangga’t hindi nakaibili ng dalawang bahay at lupa para sa pamilya at sa batang aktres, isang condo para half-way house at dalawang sasakyan para may magamit kapag coding.
At heto nakabili na siya ng sariling bahay para sa kanyang pamilya na roon sila nakatira ngayon.
Kaya nga biro namin sa dalagita ay isang bahay at condo pa ang kailangan, ”opo, pero matatagalan pa po ‘yun (bahay) kasi ito talaga ‘yung magiging dream house ko.”
Sabi pa ni Liza, ”kasi at least, alam ko na safe na ako na may house na akong stable at alam ko na kung may mangyari sa akin, knock on wood, at least, mayroon silang titirhan and I don’t have to worry about that.”
Kaya pinagpapala ang batang aktres dahil inuuna niya ang pamilya niya kaysa sarili at dinig nga namin Ateng Maricris, tumutulong si Liza sa mommy niyang nasa Amerika, yes nagpapadala siya roon at dollars ‘yun huh!
At sa bagong product endorsement ng batang aktres naNails.Glow Spa Salon ay timing daw dahil hindi siya mahilig magpalinis ng kuko sa salon dahil siya lang daw ang naggugupit ng mga kuko niya sa kamay at paa lalo’t maiigsi naman ang mga ito.
“At least now, may professionals ng magka-cut at maglilinis ng nails ko, lalo na sa mga photo shoot ko sa ‘ASAP’ na rati hindi ko nagagawa ‘yun, at least ngayon may (regular) ng mag-aalaga,” kuwento ni Liz sa ginanap na contract signing niya bilang unang celebrity endorser ng Nails.Glow Spa Salon kasama ang manager niyang si Ogie at may-ari na sina Ferdie at AJ Opena.
Dahil sa kasimplehan kaya kinuha ng Nails.GlowSobrang simple at kagandahan ni Liza ang nagustuhan sa kanya ng lahat kaya naman sa ginanap na survery ng mag-asawang Ferdie at AJ kasama ang binuong research team at group discussion among their franchisees para sa kukunin nilang ambassadress ng Nails.Glow ay pangalan ng batang aktres ang binabanggit.
Inamin naman ng mga may-ari ng Nails Dot Glow (NDC) na maraming binanggit na teenstar na sikat din, pero si Liza ang nanguna sa survey kaya hindi na sila nagdalawang isip pa dahil kaagad na nilang kinuha para maging mukha ng nasabing Nails and Spa Salon na mayroong 40 branches sa buong Pilipinas and still growing this 2015.
Malaki raw ang pagkakaiba ng nasabing salon kompara sa iba, ”usually kasi kapag maganda o hi-end ang dating ng salon, akala nila, mahal, pero sa Nails.Glow, sosyal ang salon pero pang-masa ang presyo kaya maraming nagugulat na ganoon lang pala ‘yung babayaran nila after the services,” kuwento ni Ferdie.
At ang ilan sa mga branches ng Nails.Glow ay matatagpuan sa Tandang Sora, Quezon City; Famer’s Plaza, Cubao; Tanay Rizal; Frisco; Binondo Manila, Zapote, Las Pinas, Guiguinto, Bulacan, Starmall Molino, Cavite, Anonas, Cubao, Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta at marami pang iba.
Ayaw ng engrandeng debutSamantala, kaarawan na ni Liza sa darating na Enero 4, 2016 at hindi niya feel magkaroon ng debut party.
“Ayoko lang po ng ng engrandeng debut kasi preparations for it parang sobrang daming stress na mapupunta sa akin, gusto ko lang charity events.
“Simpleng party with family and close friends, ‘yun lang po, I really want it to be sentimental and I just want to be with the people I love talaga on my 18th birthday starts something new.
“Kinausap na po ako ni Mr. M (Johnny Manahan) at sabi niya, hindi raw po niya ako pipilitin kung ayaw ko,”paliwanag ng dalagita.
Wish ang action movie
Gustong magkaroon ni Liza ng action movie.
“Kasi po rito parang walang ganoon, I like ‘Walking Dead’ TV series in America, so ako, na-astigan ako sa mga ganoon, so I just wanna try to build-up once, kasi rito sa Philippines walang gumagawa, sa mga indi (films) lang, so gusto ko sa mainstream para maiba naman,” katwiran ni Liza.
Deactivated Twitter accountIsa pang napag-usapan ay tungkol sa pagkaka-deactivate ng Twitter account ni Liza.
“Kasi ako, well, you guys know na I’ve experienced bashing and everything, so ako naman, I know how it feels and ‘yung ibang tao, ayoko nang ma-experience rin nila because I know how low it can make you feel. So, as much as possible I’d like to promote peace.
“Tapos, siguro, one time, I saw na on my side, on my fans’ side, siguro, hindi rin nila maiwasan ma-overwhelm or masaktan kasi ako ‘yung bina-bash, pumapatol sila.
“And for me, gusto ko lang iparating sa kanila na—I tweeted kasi before I deactivated-I just wanted to let them know na sa akin, hindi okay na nangba-bash kayo ng ibang tao. Kung ako ang bina-bash, hayaan n’yo lang coz I can’t take it. I’m used to it na.
“But there are other new stars, there are other people being bashed and ayokong manggagaling sa fan group ko because for me, ayoko ‘yung mga tao, matatakot na, ‘ay LizQuen, nakakatakot mga fan nila, mangba-bash’. Ayokong maging ganoon sila. So, sinabihan ko sila,”kuwento ng batang aktres.
Kaso parang hindi iyon nagustuhan ng ibang fans niya at inisip na kumampi siya sa ibang grupo ng supporters.
“Siguro, ‘yung mga ilan, na-hurt sila dahil akala nila, kinakampihan ko ‘yung ibang fan groups which is my tweets were in general, sana ‘yung mga tao, matuto na silang magkaroon ng peace in between the fandom kasi it’s been going on for so long na and for me, hindi ba sila nagsasawa?” sabi pa ni Liza.
In real life ay wala naman daw silang away ng mga kapwa niya teen stars at artista.
“So, bakit kailangang ‘yung fans, nag-aaway? Why can’t they be happy for the success of others? So, pinagsabihan ko sila and some got hurt and some unfollowed me.
“So ako po, na-hurt ako like I felt I was trying to send out a message kasi ako, as a celebrity, I’m an influencer and I want to influence them to do the right thing,” katwiran ng dalagita.
Pero okay na raw ulit ang Twitter account niya.
FACT SHEET – Reggee Bonoan