Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay, feeling gumwapo ng 10 times (Dahil sa pagpayag ni Ellen na maka-date sa Star Magic Ball)

083015 Ejay Falcon ellen adarna

00 fact sheet reggeeKAHIT pagod at walang tulog si Ejay Falcon sa mini-presscon nila ni Alex Gonzaga para sa Wansapanataym Presents: I Heart Kuryente Kid na ginanap sa Clean Plate Restaurant sa Trinoma Mall noong Huwebes ng tanghali ay hindi pa rin niya ito ipinahalata.

Lagare kasi si Ejay sa tapings ng Pasion de Amor at I Heart Kuryente Kid para sa Wansapanataym Presents.

Pagkukuwento ng aktor, “nagkakasakit na nga ako, kasi medyo mahirap siyang gawin, kasi bale tatlong characters ang ipino-portray ko na.

“Kasi from normal na si Tonio sa ‘Wansa’, tapos super-hero, tapos tatawid ako ng ‘Pasion de Amor’ na si Oscar, so parang tatlong characters ‘yung ginagawa ko.

“Medyo mahirap, minsan, sa set ka na nalilgo. Eto ‘yung pinaka-challenging sa akin ngayon. Pero ayos naman.”

Si Ejay si Tonio na isang utal at tatamaan ng kidlat ay nagkaroon ng powers at naging super-hero.

INSPIRED DAHIL KAY ELLEN

Anyway, hindi itinanggi ng aktor na inspired siya dahil kay Ellen Adarna na balitang sila na at ka-date niya sa nalalapit na Star Magic Ball.

“Dalawang beses ko siyang in-invite. In-invite ko siya sa viber group namin at in-invite ko rin siya ng personal. At doon sa dalawang beses na ‘yun, pumayag naman siya,” kuwento ni Ejay.

Natatawa pang sabi ni Ejay, “ang lakas maka-guwapo, actually. Kasi naman, Ellen Adarna ‘yun.

“Parang ang dami-daming lalaking gustong makapareha siya, makasama siya sa ganoong event, sa Star Magic Ball, tapos ako ‘yung nabigyan ng chance.

“Sabi ko nga, parang gumuwapo ako ng 10 times doon sa pangyayaring ‘yun.

“Masaya kasi komportable naman ako sa kanya, komportable kami pareho sa isa’t isa and masaya kami kapag magkasama,” masayang kuwento pa ng aktor.

At dahil first time mag-Star Magic ball ni Ellen ay titiyakin ni Ejay na magiging unforgettable ito para sa dalaga.

“Ako kasi, five years na akong uma-attend and parang sa five years na ‘yun, apat na beses akong um-attend ng walang date and ito ‘yung parang a-attend ko na finally, may kasama naman ako. And thank you kay Ellen kasi napapayag ko siya,” pahayag ni Ejay.

LUMALABAS-LABAS KASAMA SI ELLEN

Ano nga ba ang relasyon nina Ejay at Ellen ngayon? “Lumalabas po kami pero group. Dating, well, abangan n’yo na lang sa mga susunod na ano,” napangiting sabi ng aktor.

Mapapanood ang Wansapanataym Presents: I Heart Kuryente Kid tuwing Linggo at kasama rin sina Miguel Vergara, Malou Crisologo, Fourth Solomon, at Tirso Cruz III mula sa direksiyon ni Andoy Ranay handog ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …