Monday , December 23 2024

Coco, nais ng pagbabago sa mga namumuno sa gobyerno

082915 coco martin

00 fact sheet reggeeSA solo presscon ni Coco Martin para sa aksiyon serye niyang Ang Probinsiyano ay naikuwento niya na bago niya tinanggap ang project ay nag-usap-usap sila ng ABS-CBN management at ni Ms. Susan Roces na walang kinalaman sa politika ang project.

Kasi nga baka isipin daw ng ibang tao na kaya niya tinanggap ay may kinalaman ito sa nalalapit na 2016 election na alam naman ng lahat na planong tumakbo sa mas mataas na posisyon ang anak ng Hari ng Aksiyon na si Senator Grace Poe.

Bagamat nabanggit naman ni Coco na wala pa naman daw sinasabi si Grace tungkol dito, pero nagpa-una na ang aktor na walang political agenda ito.

Sa tanong kay Coco kung may mga nagpaparamdam na sa kanya sa 2016 elections? Hindi malilimutan na malaki ang nagawa ng aktor sa pagkapanalo nina Presidente Noynoy Aquino at Senator Sonny Angara at iba pa na hindi na lang binanggit ang mga pangalan.

Naging tapat naman ang probinsiyano, “honestly po, mayroon, pero para po sa akin kasi, hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito. Sabi ko nga, napagod na rin ako, nagsawa na rin ako.

“Kumbaga, parang lahat naman tayo naghahanap na rin ng pagbabago, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na sa ating mga magiging anak, sa ating pamilya o sa lipunan natin.”

Hmm, mukhang naging vocal si Coco sa gusto niyang mangyari sa darating na eleksiyon bagay na ikinagulat ng entertainment press.

Mas maghihigpit kung sino ang ikakampanya

Paliwanag ng aktor, “napakaimportante po ng pagkakataong ito, kung saka-sakali, sa election next year.

“Kasi ito lang ‘yung pagkakataon na mahahawakan ko ang sarili kong pananaw, pagkakaintindi o pagkatao.

“Kasi, after that, kapag naiboto ko na sila, wala na.

“Kumbaga, sila na naman ang maghahari, gagawin na naman nila kung ano ang gusto nilang mangyari, ‘di ba?

“Sabi ko nga, ngayon mas magiging mahigpit ako sa mga taong tutulungan ko o paniniwalaan ko. Kasi nakakapagod, nakakasawa.

“Parang may mga tao kang tinulungan, tapos magugulat ka na ganoon pala yung nangyari. Ayaw ko nang maulit ‘yon.”

May natulungan ba siya na hindi niya nagustuhan ang performance?

“Mayroong iba,” saad ng aktor.

Sabi pa, “siguro sa pagkakataong ito, mas magiging mahigpit ka na. Kasi, kapag alam kong nangangailangan ng tulong, talagang sinusuportahan ko.

“Pero may mga tinulungan ako na talagang proud ako, like si Senator (Sonny) Angara. Sobrang proud na proud ako.”

Credibility mas mahalaga, ‘di puro pangako

At bago raw niya ikampanya o tulungan ay dapat, “unang-una, siyempre hindi naman sapat na pangako lang.

“Alam naman natin ‘yung credibility ng bawat tao, alam mo naman ‘yung bawat hangarin. Kumbaga, bilang tao, alam naman natin kung sino ang dapat.

“Kung ako ang tatanungin, isa lang ang sasabihin ko, gusto ko lang ng pagbabago.

“Kumbaga sa kanser, kahit maglagay ka ng bago, pero ganoon pa rin ang sistema nila, kakainin lang ‘yan.

“Kung maaari, gusto ko nga lahat bago (walang trapo) para magkaroon tayo ng bagong lipunan.

“Kung daragdagan lang din natin ‘yan, uulit lang tayo ng uulit sa mga taong ilalagay natin sa posisyon, walang mangyayari, ganoon pa rin.

“Sino ba ang mahihirapan? Tayo pa rin,” sabi pa.

Bakit tayo ang natatakot sa gobyerno?

At dito naipasok ng aktor ang isa sa ikinasasama ng loob niya sa gobyerno.

”Honestly, may realization nga po ako, eh.

“Parang bakit kami natatakot sa gobyerno, bakit kami natatakot sa mga taong nakaposisyon?

“Kung tutuusin, tayo ang nagpapasahod sa kanila. Dapat tayo ang pinaglilingkuran nila.

“Sana, kung magkaroon ng pagkakataon, sana baguhin lahat.

“Sana, kung maaari, sana baguhin lahat, sana bata lahat para magkaroon ng pagbabago,” punto ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *