Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karylle, imposibleng makagawa ng serye dahil sa Showtime

082715 Karylle

00 fact sheet reggeeAYAW magbigay ng detalye ni Karylle T. Yuzon kung bakit umalis na siya sa long time manager niyang si Carlo Orosa ng Stages at lumipat na siya kay Arnold L. Vegafria.

Nakita namin ang seksi at magandang misis ni Yael Yuzon sa birthday party ni Mother Lily Monteverde na katabi si ALV (Arnold) at tsika-tsika kaya natanong namin kung lumipat na siya at umoo naman.

“Huwag na Regg, baka isulat mo, eh,” tumatawang sabi sa amin ni Karylle nang kulitin namin ang dahilan ng paglipat niya.

Kaya ang tinanong na lang namin ay kung totoong apektado ang It’s Showtime sa Aldub ng Eat Bulaga.

Natatawang ikunuwento ni Karylly ang blooper niya dahil napagkamalan niyang dati na niyang kakilala si Yaya Dub na rati niyang bandmate.

“Akala ko kasama ko siya rati sa isang banda, ‘yun pala kamukha lang niya kasi ganoon din ang face niya (nagpapatawa), akala ko kaya ko nakikita sa feed ko, akala ko friend ko si Monica, hindi pala,” kuwento ng TV host.

At inulit namin ang tanong kung affected ba ang Showtime, “hindi naman, masaya nga, eh, hindi naman nag-emergency meeting, madalas kaming nagmi-meeting, nagla-lunch ganyan.

“Actually, marami namang inilalabas na new segments ‘di ba, kaya masaya at saka para maraming new, kung ano ‘yung type ng mga tao, ‘yun talaga ang (gagawin).”

Nabanggit din ni Karylle na pasok na sa show nila ang kapatid niyang si Zia Quizon.

Samantala, magre-renew si Karylle ng kontrata niya sa ABS-CBN at tinanong namin kung gusto niyang magkaroon ng soap drama.

“Parang mahirap kasi may ‘Showtime’ ako na araw-araw, so parang hindi ako puwede, minsan nga may shows (out of town), hindi napapayagan so, mahirap,” katwiran ni Karylle.

At sinabi namin na kapag super-pagod na siya ay hindi sila makakabuo ni Yael ng baby, “ganoon?  Pero siyempre, masaya ako kasi nakapag- concert kami ni Yael sa Qatar, sa Abu Dhabi tapos pag-uwi, may show kami ni mama (Zsa-Zsa Padilla) at ‘yung ‘Next Attraction’ na maganda ang feedback.

“Next step ay gagawa ako ng album, kagabi, gumagawa kami ng kanta, sabi kasi niya (Yael), ang bagal ko raw gumawa ng album ko,” saad ni K (palayaw ng TV host).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …