New one will change and take over the post of fired out or convicted baldog ring hustlers!
So therefore no change pa rin! Kahit wala na si tirador ‘yung papalit will slowly evolve into the character of tirador.
How?
Through darwinian natural adaptation… then the new scanner ng Immigration at BOC will struggle and compete with others along the immigration culture and BOC of take and take plus. Overtake ng mga tao nila stumping down the no take policy. Which is nothing but lies, deception hypocrisy, greed, etc…
In the process of struggle and competition the phenomenon of survival of the fittest through natural selection will prevail!
In the end, the winners take all and the lo-sers tiklo.
He he he!
This is the gospel of makakapal ang mukha sa lahat ng opisyal ng gobyerno na corrupt particular na sa Immigration. Ayon sa matalinong source ko.
Sa totoo lang walang-wala ang customs pagdating sa corruption sa Immigration dahil biruin ninyo sunod-sunod ang pagkabuking ng blacklist lifting salyahan balyahan visa.
Marami rin baldog ring sa immigration daang milyon din ang pinag-uusapan.
Kapag nalaman ni Immigration Commissioner Fred Mison ang nagbubulgar at nagsasabi sa media na mga official niya sigurado sa kangku-ngan ka or doon ka itatapon sa Tawi tawi.
Ganyan si Mison pag magtanim ng galit ayon sa source ko mismo sa immigration.
Talagang nagmamadali daw dahil malapit ng mawala ang Pnoy Administration.Dapat na sibakin na talaga ang grupo ni Mison para ‘di na makapag-ipon.
Saan ka naman nakakita na pati deputy commissioner niya ay hindi n’ya kasundo at mga officials niya.
Pati ‘yung officials na malapit kay Pnoy na si kulang-kulang, kinabit naman niya ang secretary niya, ganyan katindi ngayon diyan sa immigration.
Pangulo bilang kapamilya mo sa Hacienda Luisita na aking sinilangan at naging tao ni Se-nator Ninoy ang tatay ko at lahat sila nagsilbi sa Central Azucarera de Tarlac ang mga kamag-anak ko.
Malaki ang utang na loob namin sa tatay mo na si Senador Ninoy dahil sya mismo ang tumulong sa tatay ko noong nadisgrasya siya noong 1966, hindi namin makakalimutan ‘yan at bilang miyembro ng media sibakin mo na si Mison, ma-raming report diyan at talagang garapal ang mga tao niya at mismo sa immigration ay nagkakagulo sila.
Maraming pinagkakakitaan diyan, pero centralized at iilan lang ang nakikinabang.
Pag umiinit ang immigration sa kapalpakan ng mga tao niya na gumagawa ng kababalaghan magpapa-“praise” este press release siya. Bad guys out Good guys in daw.
he He He! Ano ba ‘yan parang telenobela?
Sinasabi ko sa inyo na walang malinis pagdating sa pera. Kahit ikaw na palìhim na tumatanggap sa mga banyaga at ito nga sabi ng se-minarian na si Atty. Licas at Atty. Villalobos pinagpapaliwanag sila ni Commissioner Mison.
Bakit nanghuli sila sa resorts world na maraming lumabag sa Immigration law at nagtataka ang marami Bakit biglang pinakawalan ang 15 Chinese? Sa anong dahilan?
Kaya ngayon nasa hot water sila at pag napatunayan na kasabwat sila, talagang kai-langan masibak sina Licas at Villalobos. Kaya tawag ko ngayon sa intelligence ay intelehensiya de delihensya. ;Yan ang sinasabi ko no take policy daw pero overtake nang overtake sila.
At saka isa pa, merong isang intelligence officer daw kuno na puro banggit SOJ pero di siya kilala, puro namedrop at tahimik pero tirador pala.
Maraming alalay ito na tagahawak ng bag niya at may tagahawak rin ng baril niya.
May tagabantay siya at anim (6) ang alalay, E saan kumukuha pampasweldo ito?
Saan kumukuha ng pera ‘e di sa protection money, ang dami sa Binondo, Divisoria, Sta. Cruz, talagang ang gagaling nila pagdating sa pera.
May nagbigay info, sa akin ‘yung mga nahuli pala sa Resorts World ay may P2,000,000 payola every month sa isang official sa loob mismo ng opisina ni Mison, totoo kaya ito?
Nagkakagulo na raw sila sa OCOM, grabe, ito pang isa, may jaguar na rin daw ang isang mataas na opisyal ng immigration. ‘Yan ang no take policy sa BI!
Punta kayo sa Immigration, parang car exchange shop ang parking area ng magagarang sasakyan.
***
Nagtataka tayo kay Lejos ng Customs, may nagsumbong sa na ‘yung mga yero, mga mamahaling tabla at iba pa ay iniuwi raw n’ya.
Sinita ng customs police, hinanapan ng gate pass, kasi kahit gamit na ‘yun hindi pwedeng ilabas yun na walang bidding.
Sabi pa daw ni Lejos, ilabas na ‘yan mana-nagot kayo sa akin.
Ang tapang ni Lejos!?
Ito pa nag-inspection daw sa barracks ng customs police si Lejos ‘e ang tanong nya: bakit may barracks kayo rito?
Ignorante yata si Lejos dahil di nya alam na 24/7 ang pulis. May naamoy tuloy ang customs police at sabi “Sigurado boss Jim gusto na kami palitan ni Lejos.” Parang wala na naman bidding, kako, “naku pera na naman at percentage na naman.”
Maraming nag-comment ditto kay Lejos, masyado daw magarbo. Bakit daw kotse ang binili niya na mahigit 20 piraso na puro brand new dapat daw ang binili ay shuttle bus ng BoC.
Kahit tatlong bus lang para hindi na umuupa ang BoC pag may out of town meeting or conference.
Mukhang tama kayo riyan, mahilig raw talaga si mam ng puro bidding?
Grabe itong taong ito, akala yata niya permanente siya sa BoC, di niya alam ang power ay pansamantala lamang.
Baka pati power, akala niya walang bidding.
PAREHAS – Jimmy Salgado