Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Doble Kara ni Julia, patok agad sa televiewers

081815 julia montes

00 fact sheet reggeePANALO ang bagong serye ni Julia Montes na DobleKara sa unang araw nito noong Lunes, Agosto 24 sa Kapamilya Gold.

Nakamit ng Doble Kara sa national TV rating ang 16.9%, kompara sa katapat nitong programa sa GMA na nakakuha ng 15.6% base sa Kantar Media.

Dahil sa pagkasabik ng TV viewers at netizens sa pagbabalik ni Julia, mabilis ding naging nationwide trending topic sa microblogging site na Twitter ang hashtag na #DobleKaraSimula matapos bumuhos ang mga positibong tweets bilang suporta sa teleserye.

Masaya naman ang mga taga-Dreamscape Entertainment dahil sa balitang ito kasama na rin ang cast na sina Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon, Alora Sasam, Anjo Damiles, Edgar Allan Guzman,at Ms Alicia Alonzo para sa kaniyang espesyal na pagganap.

Maging ang mga direktor na sina Emmanuel Palo at Jon Villarin ay nagpapasalamat din sa mainit na pagtanggap sa Doble Kara.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …