Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Ricky, na-ICU dahil sa paninikip ng dibdib

082715 ricky rivero

00 fact sheet reggeeHABANG isinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa Intensive Care Unit o ICU ng Tagaytay Hospital si Direk Ricky Rivero na isinugod noong Linggo ng madaling araw dahil sa paninikip ng dibdib.

Ayon sa nagkuwento sa amin, inatake raw ang direktor habang nagte-taping ng pilot episode ng seryeng My Fair Lady na kapalit ng Baker King sa TV5.

Pagod at pressured daw ang dahilan kaya nakaramdam ng hindi maganda si direk Ricky dahil siguro malapit na ang airing ng My Fair Lady dahil nag-last taping day na ang Baker King kahapon.

Wala ang pamilya ni direk Ricky sa Pilipinas kaya’t ang kaibigang singer na si Rachel Alejandro raw ang nag-aasikaso sa kanya at planong ilipat sa Cardinal Santos sa Greenhills para mas madaling madalaw ng mga kaibigan.

May katanungan lang kami na hindi raw sasagutin ng TV5 ang hospital bills ni direk Ricky? Eh, hindi ba’t inabutan ang direktor ng atake habang nagtatrabaho sa bagong programa ng Kapatid Network?

Hindi naman siguro ito trulili ateng Maricris dahil alam namin ay matulungin naman ang TV5 sa mga nangangailangan.

Anyway, balitang ABS-CBN director ang papalit kay direk Ricky sa My Fair Lady na kaibigan niya.

 
FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …