Thursday , December 26 2024

Kakasa si Bongbong Marcos

00 pulis joeyTIYAK magiging mahigpit ang labanan sa pagka-presidente sa 2016.

Ito’y kapag nagdeklara rin tumakbo si Senador Bongbong Marcos pati si Senadora Grace Poe.

Ayon sa aking reliable source, panay na ang miting ngayon ng kampo ni Marcos.

Oo, bubuhayin daw ang KBL (Kilusang Bagong Lipunan) na partido ng kanyang yumaong ama na si dating Presidente Ferdinand Marcos. Matibay ito… damo datung!

Sa kasalukuyan, si Bongbong ay nasa partido ng Nacionalista Party ni ex-Senate President Manny Villar.

Inaasahang sa Setyembre magdedeklara ang batang Marcos.

Malaki ang balwarte ng Marcos. Tiyak so-solid ang mga Ilokano sa kanya pati na ang mga Waray sa Samar-Leyte na balwarte ng kanyang ina, Congresswoman Imelda Romualdez-Marcos.

At kapag ang naging running mate ni Marcos ay si Senador Alan Peter Cayetano ng Taguig, boom!

Sa panig naman ni Senadora Poe, sa tono ng kanyang mga pananalita ngayon, halos nasa seventy percent na siyang magdedeklara ng pagtakbo. Ang tiyak niyang running mate, kung sakali, ay si Senador Chiz Escudero.

Hinihintay na lamang ni Poe ang opisyal na endorsement ng Nationalist People’s Alliance (NPC) nina billionaires Danding Cojuangco at Ramon Ang.

Ang isa pang inaabangan nating magdeklara ay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Patok ito!

Ang problema lang ni Duterte ay kung paano makabubuo ng makinarya kapag wala siyang matibay na partido at minimum budget na P2 bilyon!

Sa ngayon, ang mga nakapagdeklara pa lamang na kakasa sa pagka-pangulo sa 2016 ay sina Vice President Jojo Binay at DILG Sec. Mar Roxas. Buo na ang kanilang mga tiket sa lokal – mula gobernador, kongresista at mayor. Karamihan ay incumbents. Umiikot na nga sila…

Samantala sina Marcos, Poe at Duterte ay wala pang mga naka-line-up na kandidato sa lokal. Kapag hindi pa sila nagdeklara sa sunod na buwan, latak na lang ang makukuha nila sa mga kakandidato. Hehehe…

Balikbayan boxes

ng OFWs ‘wag higpitan!

Mabuti naman at nabuking na ang kawalanghiyaan ng mga taga-Bureau of Customs at Philpost – ang higpitan nang sobra-sobra, pag-interesan at pagnakawan ang mga padala ng OFWs.

Isipin mo, mga padalang lumang damit shampoo, sabon at tsokolate na wala pang 500 dollars ang kabuuang halaga, bubuwisan nang higit $1,000 sa Customs! Tama ba naman ‘yun?

‘Yung mga padala naman sa Philpost, kakalkalin tapos pag may kursunada, kukunin! Mamumura mo nga ang mga put… ‘yan!

Mabuti naman at inaksiyonan na ito ni PNoy. Inatasan na sina Finance Sec. Cesar Purisima at Customs Commissioner Bert Lina na huwag nang buksan ang mga balikbayan boxes at huwag nang buwisan kung wala pa itong P150K ang halaga. Ayos!

Idaan na lamang daw sa X-Ray at K9 dogs ang mga padala na nakalagay sa kahon. Kung may kahina-hinalang laman, doon lamang ito buksan. Aprub!

Pero kukulitin natin ang pamunuan ng Customs at Philpost na kasuhan at sibakin ang mga tauhan ninyo na nahuli sa CCTV na nagnanakaw sa mga padala ng OFWs! Aksyon!

Reklamo vs mga sundalo

ng 87IB sa Samar

Sir Joey, sana maaksiyonan ang mga sundalo na abusado sa Samar. Dito yata naka-assign sa Maulong, Catbalogan, Samar itong 87 IB. Pinatay nila kamag-anak ko na sibilyan lamang at saka ‘yung pamangkin niya walang awa na pinagbabaril. Dapat maaksiyonan ito at matanggal ang grupo nila. Makarating sana ito sa human rights. Kung hindi torture, rape ang ginagawa nila sa mga sibilyan. ‘Di ba may batas na ngayon? Bakit ganoon pa rin ang mga sundalo? Dapat hanapin nila ang kalaban nila, hindi ‘yung walang kalaban-laban ang pinapatay nila. Porke’t magsasaka, NPA na ang turing nila. – 09480209…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

PULIS PULIS! – Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *