Nabanggit ni direk Joel na plano nilang isama ang mga artistang kaanib sa Iglesia Ni Cristo pero, “na-consider po talaga siya, pero hindi umubra ang schedules niya sa aking shooting, mas importante pongg ituloy ang shooting (‘Felix Manalo’) kaysa maghintay ako ng tatlong buwan kay Kathryn Bernardo.
“Kaya amin pong ipinush-thru, pero mayroon naman kaming mga kabataang kasama tulad ni Ruru Madrid (miyembro ng INC). Hindi na po namin nahintay kasi napaka-busy po ni Kathryn (taping ng ‘Pangako Sa ‘Yo’),” paliwanag ng direktor.
Tiyak na malaki ang panghihinayang ni Kathryn na hindi siya napasama sa pelikulang Felix Manalo dahil once in a lifetime lang itong mangyayari na ginawang pelikula ang buhay ng Sugo ng Iglesia Ni Cristo at hindi alam kung masusundan pa ito.
Samantala, nabanggit na certified Noranian si direk Joel kaya naman natanong siya kung bakit hindi niya isinama ang Superstar.
“Eh, wala naman po akong ibibigay na meaty na role para sa kanya (Nora), nakahihiya kasi kung isa, dalawa o tatlong araw lang siyang magsu-shooting sa estado niya,” katwiran ng direktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan