Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, napasaya nina Mar at Koring

082315 mar roxas korina reggee

00 fact sheet reggeeHINDI inaasahan ni  Mother Lily Monteverde na dadalo sa kanyang 76th birthday party ang mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas dahil ang buong akala niya ay nasa out of town campaign ang DILG Secretary.

Kaya naman lubos na kaligayahan ang naramdaman ni Mother Lily dahil sa sorpresang pagbisita sa kanya sa Valencia Gardens.

Bukod kina Mar at Korina ay dinaluhan ng mga sikat na artista, mga movie press, mga batikan direktor ng pelikula at telebisyon, mga kaibigan sa loob at labas ng idustriya, at marami pang iba.

Bagamat malapit si Mother Lily sa potensiyal na mga kandidato sa pagka-presidente para sa nakatakdang national elections sa 2016, very open at vocal siya sa pagsuporta kay Sec. Mar.

Maaalalang present si Mother Lily at ang kanyang anak na si Roselle Monteverde-Teo sa declaration ni Sec. Mar sa kanyang pagtakbo sa pagka-presidente sa Club Filipino noong nakaraang Hulyo na inendoso siya ni PNoy sa ngalan ng liberal party.

“Naniniwala ako sa kalinisan, kakayahan, at karanasan ni Mar na mamuno sa ating bansa,” sabi ni Mother Lily.

Tuwang-tuwa naman si Koring sa suporta at pagmamahal na nakukuha nila mula kay Mother Lily, ”Nakakataba naman ng puso na may isang katulad ni Mother Lily na isa sa mga haligi ng industriya ang naniniwala sa kakayahan ng aking asawa. Mahal na mahal niya kami and one thing is for sure, we love her back.”

Equally happy and honored naman si Sec. Mar sa overwhelming na pagmamahal ni Mother sa kanya.”Napakalaki ng respeto ko kay Mother Lily at pinahahalagahan ko ang kanyang paniniwala sa akin. Hindi ko sisirain ang tiwala niya sa akin sa pagpapatuloy ko sa daang matuwid.”

Talagang nagkaroon ng kakaibang kulay at kasiyahan ang birthday party ni Mother dahil sa presence nina Sec. Mar at Koring na bihirang- biharang dumadalo sa mga function na magkasama.

Game na game sina Sec. Mar at Koring sa pagpapaunlak sa mga nakipagchikahan at humingi ng selfie sa kanila tulad ng mga bagong batch ng Regal Babies, members ng entertainment press, at iba pang mga bisita.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …