Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maya, gustong makipag-collaborate kay James

082115 james reid maya migz

00 fact sheet reggeeHINDI pa namin napanood mag-perform ang talents ni Perry P. Lansigan ng PPL Entertainment na sina Maya at Migz kaya wala kaming idea kung gaano sila kagaling.

Magaling daw kumanta si Maya dahil bukod sa biritera ay masarap din daw pakinggan ang boses niya sa ballad, bossa nova, acoustic, at pop kaya hindi nakatatakang naging miyembro siya ng grupong Blush, PAN-Asianvocal group na nagtanghal na sa iba’t ibang bansa tulad ng Paris, Canada, America, London, Hongkong, at sa Los Angeles, USA nakabase at kasalukuyang nakabakasyon lang kaya tumatanggap ng gigs dito sa Pilipinas.

Laman din ng singing contest si Maya dahil sumali siya saPinoy Idol ng GMA 7 pero hindi nanalo dahil hanggang top 9 lang siya at Star for A Night na si Sarah Geronimoang nanalo.

At marahil hindi siya suwerte sa local competition dahil nakasama naman siya sa grupong Blush bilang representative ng Pilipinas na kasama niya sa grupo ay taga-China, India, Korea, at Japan.

Hindi natapos ni Maya ang kursong music production sa St. Benilde College dahil naging bisi-bisihan na sa international singing career niya.

Si Maya ay 25 years old at kasalukuyang single pero hindi naghahanap ng boyfriend dahil singing career daw muna ang prioridad niya at gusto niyang magkaroon ng concert pagdating ng araw at gusto niyang maka-trabaho ang super-crush niyang si Bamboo, isa sa voice coach ng The Voice Kids 2.

“Gusto ko po talaga siyang maka-duet sana someday,” say ni Maya.

Isa rin sa crush ng dalaga ay si James Reid, ”napanood ko po siya sa ‘Gandang Gabi Vice’, guest po sila kasama si Nadine (Lustre), tapos kumanta, singer din pala at sumayaw, ang cute po naman, gusto kong magkaroon kami ng collaboration din,” sabi pa ni Maya.

Tinutukso namin si Maya sa kapartner niya sa shows na si Migz pero mukhang hindi type ng dalaga ang binata dahil sa tingin namin ang gusto niya ay malakas ang personalidad at hindi mahiyain.

Si Migz naman ay magaling daw maggitara na sayang at hindi rin namin narinig pa, pero ayon sa binatilyo ay ito raw ang edge niya dahil bukod sa mahusay siyang tumugtog ay nakakapag-compose pa siya ng kanta tulad ng idol niyang si Bamboo rin.

Tulad ni Maya ay nasubukan din ni Migz na sumali saTalentadong Pinoy at Pilipinas Got Talent kaso talo ang binatilyo.

Imbes na mawalan ng gana ay kumanta ng cover songs at ipino-post niya sa Youtube na ganito rin ang ginawa ngThe Voice Season 2 grand winner, Jason Dy na napansin din sa Youtube.

Sabi ni Migz, ”from there (youtube), marami ring nakapansin sa akin at in-invite ako sa mga school. Sa bars din pero hindi regular.”

Tulad din ni Maya, kursong Music Production din sa Saint Benilde ang kinukuha ng binatilyo at tatapusin daw niya ito.

Pagkatapos ng jampacked show nina Maya at Migz sa 19 East Bar ay nagkaroon sila ng show sa Hard Rock Café kasama si Gloc 9 bilang special guest.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …