IDINEKLARA ng Malacañang bilang special working holiday ang kamatayan ni DILG Secretary Jesse Robredo sa buong bansa.
Nilagdaan kamakalawa ni Pangulong Aquino ang RA 10669 na nagdedeklara na special working holiday ang Agosto 18 bilang paggunita sa kamatayan ni Robredo.
Dahil isang special working holiday ang Agosto 18 kada taon, nangangahulugan na may pasok sa lahat ng tanggapan at may pasok din sa lahat ng paaralan sa buong bansa.
Magugunita na pinangunahan ni Pangulong Aquino ang pagdiriwang ng 3rd death anniversary ni Robredo sa Naga City kamakalawa.