Thursday , September 12 2024

Marijuana vs palay, mais at camote

marijuanaKamakailan ay pinag-usapan sa komite ng Kamara ang tungkol sa House Bill No.  4477 o ang pagre-regulate bilang gamit-medikal  ng Marijuana.

Gayon din ang pagtatatag ng Medical Cannabis Regulatory Authority at paglalaan ng kaukulang pondo para rito.

Walang duda na totoong may medicinal benefits ang Cannabis o Marijuana sa ilang karamdaman. Pinatutunayan na ito ng siyensiya batay sa pananaliksik ng mga eksperto.

Ang agam-agam natin, ang mga lupaing  ga-gamitin para taniman ng Cannabis nang maramihan at ang maaaring pagpapalit ng produktong pananim ng mga magsasaka imbes pang-agrikultura ay marijuana na ang itanim.

Kung matatandaan natin sa industriya ng tabako,  ay lumago at dumami ang mga mana-nanim ng tabako sa bansa lalo na ‘yung nasa Ilokos.

Ito ay naging pangunahin kabuhayan ng mga Ilokano at ‘di hamak na mas malaki pa ang kinikita kompara sa mga magsasaka ng palay, mais, gulay, o kamote.

Maaaring mabawasan ang produksyon ng gulay tulad ng repolyo, petchay, beans, carrots, patatas at chicharo na bultuhan kung ibenta sa Divisoria at Balintawak gayon din  ang produksyon ng bulaklak na ibabagsak sa Dangwa.

Maging ang mga lupang pang-agrikultura sa Tagaytay ay maaring mapalitan na ang mga pananim na pinya, papaya at saging ng cannabis. 

Dahil siguradong mas mataas ang kikitain ng mga magsasaka ng Cordillera sa pagtatanim ng cannabis.

Alam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sa malamig na lugar ay madaling tumubo at lumago ang pagtanim ng Cannabis.

Bago ipasa ang House Bill No.  4477 sa second reading ng Kamara kailangan ang masu-sing pag-urirat at pag-aralan pa ng Komite ang aspetong ito, lalo ang impact sa agricultural production na nakatuon sa ating Food Security. 

Sino ba dapat ang maaaring magtanim ng Marijuana?  Saan bang lugar sa bansa o probinsiya maari itong itanim?!

Dapat ay total control and supervision ang gawin sa produksiyon nito ng gobyerno. Nang sa gayon ay walang magmanipula at maabuso kung magiging batas nga ang mga panukalang ito.

Rock & roll to the world!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *