MARAMI ang humuhulang ‘di matatalo o mapapantayan ang tagumpay ng Mari Mar ni Marian Rivera ng ngayon ni Megan Young.
Ayon sa isang kumadre naming si Tess Aclera, ”Kulang sa landi ang facial expression at body language ni Megan.”
“Parang walang dating ang tambalang Megan at Tom Rodriguez. Nasanay, kasi, ang viewing public na ang love interest ni Tom ay si Carla Abellana. Mas mabuti pa siguro, kung si Mikael Daez na sabi’y BF ni Megan in real life ang ginawang Fernando,” ani another kumadre naming si Ma. Elena Zoleta.
Sabi naman ng aming maid of honor na si Myriam, ”Mas bagay kay Lovi Poe or Heart Evangelista ang papel na ‘Mari Mar’.” Siyempre, imposible itong mangyari dahil sina Heart at Lovi ay may teleseyeng Beautiful Strangers.
KUROT LANG- Nene Riego