Saturday , July 27 2024

Dennis at Jen, quality at ‘di quantity sa madalang na pagkikita

SINABI sa amin ng debonair actor na si Dennis Trillo na masaya sila ni  Jennylyn Mercado kahit ‘di madalas magkita.

“Kahit ‘di kami madalas magkasama’y masaya kami. What matters most is quality and not quantity of time we spend together.”

Tinukso kasi namin  ang premyadong actor na dahil sa nalalapit niyang pagteteyping sa Kapuso fantaseryeng  Mulawin na four days a week ay baka mawalan na siya ng oras for Jen.

Dahil din sa March na ang start ng teyping, ‘di muna makatatanggap ng film assignments si Dennis. Talagang dibdiban ang ilalaan niyang work sa serye at ang ayon sa kanya’y dream role.

Sa direksyon nina Don Michael Perez at Dominic Zapata, kasama sa cast sinaHeart Evangelista, Carla Abellana, Bea Binene, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Joko Diaz,  Roi Vinzon, Chynna Ortaleza, Ariel Rivera, at Regine Velasquez-Alcasid.

Sa tatlong araw na mababakante si Dennis, maaari namang ilaan ito para kina Jen, his son Calyx and Jen’s son Alex Jazz.

KUROT LANG – Nene Riego

About Nene Riego

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *