Tuesday , December 24 2024

Swindler, Estapador alyas Lita Dimatatac wanted sa NBI

ISANG Lita Dimatatac ang pinaghahanap ng NBI ngayon dahil sa panggagantso o pag-estafa niya sa mga kababayan natin. Kapag nakuha na ang pera ay bigla nang maghi-hit and run.

Ang nakalap nating information, siya ngayon ay nagpapagawa ng mansion sa Ayala Alabang, pati ang isang dating Air Force chief ay kanyang naloko rin.

Ayon sa ret. Air Force chief, tinulungan niya ang asawa para ‘di makulong pero ginawa sa bandang huli pati siya niloko rin. Matagal na siyang hiwalay sa asawa at kung kanino na lang sumasama dahil kapit tuko para proteksiyonan ang kanyang ilegal na transakyon.

Kunwari lending sa lupa pero kapag nakuha na ang titulo ay biglang naglalaho.

Namedropper at style Napoles rin. Kung naloko niya kayo ay magsadya at magsumbong kay NBI Anti- Organized Transnational Crime Division Intel Officer Aldrin Mercader.

Patuloy pa rin tinutugis ng NBI si Lita Dimatac kaya sa mga nakaaalam kung nasaan siya ay mangyari lang na makipag-ugnayan agad sa NBI.

One time big time huli ni DepComm. Nepomoceno

Napakagandang huli ang ginawa ni Customs Depcom. Ariel Nepomuceno sa mga kargamento (luxury cars) ni Belinda dela Cruz sa Batangas.

Dapat  na ipa-audit ang lahat ng pinagbayarang taxes ng luxury cars ni Belinda simula nang siya ay mag-import. Siguradong daang milyon ang nawalang buwis sa kaban ng bayan.

Matindi talaga itong si Belinda kaya nabansagan amyenda queen kung tawagin sa customs.

Dapat din imbestigahan at kasuhan ng tax evasion ng BIR si Belinda. Pati na ang isang Esguerra na kanyang importer.

Mabuhay ka Depcom Nepomuceno, para sa bayan ka talaga!

Mga ‘tirador’ sa pier dapat bantayan!

Attention Customs Commissioner Bert Lina, pabantayan ninyong lahat ang kargamento ng  Arsenio sisters na idinaraan sa broker na si Alex Arroyo.

Suns Sonic Philippines, marami rin broker ang ginagamit nito. Ganoon din si  Egay na isang Art Bryan y Depio, ang broker na kanyang ginagamit at ang mga consignee na gamit ay Green Pearl Enterprise,  Star Dynasty Trading.

Ito namang isang Ruby Rose Pamintuan na sikat na sikat ngayon dahil puro special ang trabaho. Sa susunod na isyu ay tatalakayin natin kung bakit sila nakalulusot.

Isang JENG YU na marami rin gamit na broker at consignee pati na si Florendo Aguda.

Si alias Erwin Roy B. Rojas na puro misclassification, undervalue at over quantity ang kargamento. Bantayan sila na puro general merchandise ang declaration mula China ang kargamento.

Kailangan ma-spot check baka may palaman galing China.

Taong grasya daw ang may hawak ng  kargamento ni  Erwin Roy  Rojas

Isang alias Rey Manimtim, na ang tindi rin ng trabaho, ganoon din si Gary liit na pag-aari ang  PSDG Marketing  Fortune Buddies Inc. 

Ganoon din si Regan Dy, Glowing Line Trading, WPC Desu Temso Trading, Global Matrix concept,  Intergrain Agri Food, Tsung Gie Enterprises.

Si Jerry  Reyes kailangan ma-alert  din ang kargamento gamit niyang consignee ang WTG Enterprise.

Abangan pa ang kasunod!

May kumokolekta sa TF Pantalan

Sino naman itong alias Noel Maryano, na ginagamit ang Task Force Pantalan para mangolekta? Alam kaya ni Secretary Almendras ito?  Matindi raw at namedropper pa.

Tandaan ito, Noel Maryano is the name of the game!

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *