Friday , December 27 2024

Mag-aamoy marijuana ang Pinas kapag…

00 pulis joeyMABUTI naman at inalmahan ng medical community partikular ng mga doktor ang pagsa-ligal sa marijuana sa bansa.

Hindi naman daw talaga ito nakagagaling ng karamdaman kundi pansamantalang nakaka-alis lamang ng nararamdang sakit sa katawan dahil “high” ang nakagamit.

Maging si Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima ay hindi sang-ayon na gawing ligal ang marijuana. Dahil nakakaadik nga ito.

Kapag naging ligal ang damong ito, tiyak mag-aamoy usok ng marijuana ang Pilipinas. Dadami lalo ang mga adik at mga kriminal.

Kaya kung sinuman mga gagong mambabatas ang nagsusulong para maging ligal ang marijuana, adik ang mga kongresistang ito! Bwisit!

Aplayan sa NCRPO: Hindi pa pulis, pinu-pulis na!

– Sir, paki-kalampag naman po yung bagong RD ng NCRPO. Sa aplayan po ng pulis, pag kota ka sa NCRPO, sapilitan kang i-require na bumili ng sumbrero na itim dahil yun daw ang isa sa requirements. Ang masama pa nito, silang mga pulis… dyan sa aplayan ka dapat bumili o sa mga kontak nila sa labas. Grabe naman… mga mukhang pera,. Di pa nga pulis ay pinupulis na. – PNP applicant

Kotong ‘Checkpoint’ ng MPD PCP-7 sa Tondo

– Sir Joey, ako po ay taga-Tondo. Report ko lang yung mga pulis dito sa PCP 7 (MPD). Sobra kung mangotong lalo yung PO1 Sap… Tuwing may checkpoint sila, asahan na may makokotongan na driver. Sobra na po kawalanghiyaan nila. Ang PCP 7 po ay malapit sa riles ng tren, tapat po ng TESDA sa Tayuman, bale nasasakupan yun ng presinto 7 ng Abad Santos. Yung desk officer nila ala pong name tag kaya di ko nalaman ang apilyedo. Yun po ang taga-tanggap ng pera. Wag nyo nalang po ilathala ang number ko. – Concerned driver

Supt. Villanueva, anong say mo rito? Paki-imbestigahan lang po… Aksyon!

May MPD Traffic Police pa ba?

– Sir Joey, ask ko lang po: May traffic police pa ba ang MPD? Kasi halos wala na po ako nakikitang pulis na nagtatrapik dito sa Maynila. Hindi tulad noon na marami kang makikitang pulis sa kalye na nagtatrapik. Ngayon, wala na talaga. Dito lang po sa Road 10 ay ilang gabi nang grabe ang trapik. Wala manlang nagtatrapik na pulis o kahit MTPB. Anyare? Nasaan na ang traffic enforcers ng MPD at MTPB? Sana pagtuunan ng pansin ito ni Mayor Estrada. Ang nababalitaan nalang kasi ngayon ay puros kotongan nalang sa Maynila eh. Dapat siguro ibalik nalang sa Maynila si Fred Lim sa darating na halalan. – 09498822…

Totoo ito… kapansin-pansin ngang tila wala nang ginagawa ang MPD Traffic Enforcement Unit ngayon. May police pa ba ang unit na ito? Supt. Olive Sagaysay, hello!!!

Bakit nga wala na tayong nakikitang pulis na nagtatrapik? Napakahalaga ng unit na ito. Oo, dapat gawing aktibo ang traffic police. Dapat bawat intersections ay lagyan ng at least dalawang police na kumpleto sa komunikasyon. Malaki ang maitutulong nito para sa pag-ayos ng trapiko at paghuli sa mga riding in tandem criminals. Noong panahon ni  retired Police General Alfred Lim sa MPD (WPD noon), nakakalat ang police traffic sa buong Maynila. Kaya kapag may nangholdap o nangarnap noon, tiyak matitimbog o titimbuwang. Sana maibalik ang ganung sistema ngayon. Kaya ba, MPD Director C/Supt. Nana?

Sina Lim at Erap…

– Boss Joey, kung si ex-Mayor Fred Lim ang crimebuster at action man at “Dirty Harry” na berdugo ng mga kriminal?, si Erap naman ang berdugo ng mga mahihirap! – 0909481…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *