Saturday , November 23 2024

Regular drug test sa bus at truck drivers

00 pulis joeyMADUGONG aksidente na naman ang nangyari na kinasasangkutan ng Valisno Bus kamakalawa sa boundary ng Caloocan at Quezon City. Apat ang namatay at 16 ang sugatan sa insidente.

Sa panayam ng media, sinabi ng bus driver na si George Pacis na kinakantiyawan daw kasi siya ng mga pasahero na mabagal magpatakbo kaya pinaspasan niya.

Sabi naman ng mga pasahero, pinagsabihan na nila ang bus driver na medya-medya lang ang takbo sa Quirino Highway. Pero dedma lang daw ang gagong driver. Tapos bigla na lang daw humampas ang kalahati ng bus sa arko ng boundary ng Caloocan at Quezon City. Wasak!

Hindi kaya naka-shabu at nagti-trip ‘yung bus driver ng Valisno?

Marami kasi akong natatanggap na sumbong na maraming bus drivers ang adik. Gumagamit muna ng droga bago bumiyahe para raw hindi antukin.

Kaya dapat siguro ay ipatupad ang regular na drug test sa mga bus driver. Dahil maraming buhay ang nakasalalay sa kanilang kamay kapag naaksidente ang dala nilang bus.

Hindi lang pala dapat bus drivers ang isalang sa regular compulsory drug test kundi pati truck drivers.

Oo, marami na akong nababalitaang drug addict na truck drivers. Kaya madalas din masangkot sa madugong banggaan ang mga truck. Malalaki kasi ito. Kaya kapag nahagip nito, tiyak kung hindi sa ospital babagsak ay sa sementeryo.

Napakatalamak na kasi ng droga ngayon sa bansa. Bagsak presyo na nga raw dahil sobra-sobra na ang suplay. May mga ilang pulis pa ang nagpapabenta.

Tsk tsk tsk…

Dapat patutukan nang seryoso ng pamahalaan ang pagsugpo sa ilegal na droga at pagtatanggalin agad sa puwesto ang mga pulis na nasasangkot dito.

Mismo!

Isolated case lang ang SAF 44

– Sir Joey, sobra naman ang pagbibigay ng pansin sa SAF 44. Isolated case lang naman ito. How about yong mga namamatay sa labanan at namamatay sa ambush ng mga pulis at sundalo? Binigyan ba sila ng parangal? Ginagamit na nila sa politika ang SAF 44. Sobra sobra na nga natanggap ng pamilya ng SAF 44 eh. Ako nga, napatay ang mister  sa line of duty, P50K at bandila ng Pilipinas lang ang natanggap pero hindi ako nagrereklamo.Tanggap ko ang nangyari sa mister ko kasi yun ang pinasok nyang buhay eh. – Biyuda ng sundalo

Pagpunta ni VP Binay sa squatter sa Tondo

– Boss Joey, di na nakagugulat ang ginawa ni Binay pagpunta nya sa Capulong, Tondo. Sa kalagayan nya ngayon, kahit lugar ng mga squatter na puno ng mga kriminal ay papasok siya para mangamay lang.  Alam ni Binay kung gaano kasama at kapangit siya ngayon sa paningin ng taumbayan. Kaya kahit malansa o marumi ang kamay mo kakamayan ka nya. Ang pagpunta ng isang kilalang tao gaya ng Capulong at mangamay ay normal lang minsan na pagkakaguluan at nakangiti sa pagkamay, kahit alam nila na may isang trak na kasong kinakaharap si Binay. At tama ka bossing Joey, kapag nanalo si Binay… maalala pa kaya niya ang chairman dun? At nakasisiguro naman kaya si Binay na makukumbinsi ng tserman dun na iboto siya? – Juan po

Mga Intsik sa Odeon Mall

– Report ko po itong mga illegal alien na Intsik dito sa Odeon  Terminal Mall. Maliit na nga ang pasuweldo sa amin, babawasan pa. Lalo itong Kuyi o Photo Lock (G-22) at G-45. Kawawa kaming mga Pinay tindera rito. Dapat alamin ito ng immigration at Dept of Labor. Baka pwede pakikalampag lang sa immigration.   – Tindera sa Odeon mall

Mga nangingikil sa Earth Star bus

– Sir Joey, bakit po kaya nanghihingi sa dispatcher namin ng 2 taw kada linggo itong Co, Mobil, 10 at LTO. Para saan kaya yun? Driver po ako ng Earth Star bus via Malinta. – 09072125….

Kaya nangingikil sa inyo ang nasabing awtoridad ay dahil may ilegal siguro kayo tulad ng ilegal na pagpasok sa Maynila at ilegal na pagparada sa kalye. Hindi naman mangingikil ang mga ‘yan kung walang nasilip na ilegal sa inyong operasyon.

Shabuhan sa Banquero St., Sta. Cruz, Manila

– Report ko po dyan sa tulay at Muelle del Banco, Banquero st., Sta. Cruz, Manila ay talamak na po ang shabuhan dyan. Baka puwede ipanawagan sa PDEA. Maraming beses na kasi namin ito ini-report sa pulis pero dedma lang sa kanila. Wag po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Bawal ang manigarilyo sa public place

– Panawagan sa lahat ng ahensiyang sumasaklaw sa pagbabawal ng paninigarelyo sa pampublikong lugar lalo na  dito sa Valenzuela Health Office. Dito sa terminal ng Lawang Bato CALAPUTODA ay pinangungunahan ng mga tricycle driver ang paninigarelyo habang bumibiyahe sa terminal nila na di inaaksiyunan ng mga opisyales nila. Mga dugyot at bastos, mga arogante sumagot pag pinakikiusapan ng huwag manigarilyo sa public place. At higit sa lahat, hindi po nanunukli mga driver. Ginagawa nilang P13.00 ang dapat na P12.50 sa bawat pasahero. Pakikalampag naman po, Sir Joey. – 0935254…

Paging CALAPATODA president, pagsabihin mo na lang ang mrmbers ninyo. Disiplina lang po…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *