Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy ni Kathryn Bernardo, lumalaki ang ulo?

081415 min kathryn bernardo

00 Alam mo na NonieAWKWARD yata ang post sa Twitter ng Mommy ni Kathryn Bernardo. Last Monday, ang mother ni Kath na may username na @min_bernardo ay nag-post nang ganito, “Guys, let’s be proud na tayo ang ginagaya mas masaya, ang mahirap ang nanggagaya.”

Hindi man nito tinukoy, ang conclusion ng mga nakabasa ay patungkol ito kina James Reid at Nadine Lustre. Lalo’t nagsimulang umere ang On The Wings of Love na tinatampukan ng JaDine ng gabing iyon. Plus, ang JaDine love team kasi ay ma-dalas naikokompara sa KathNiel tandem.

Maraming fans ang nag-react at pinuna ang Mother ni Kath dahil dito.

Sa aming palagay, hindi dapat isipin ng Mommy ni Kath na kalaban ang JaDine, bagkus ay kakampi. Kasi, nasa isang TV network lang ang KathNiel at JaDine. Kumbaga, kung naging maganda ang ratings ng OTWOL, dapat ay matuwa ang ina ni Kath na lalong lumalakas ang TV Network na nagbibigay ng trabaho sa kanyang anak.

Dapat nga ay maging grateful ang mother ni Kath sa mga blessing na dumarating sa kanyang anak. Imbes na ang ma-ging rehistro niya sa iba ay nai-insecure siya sa ibang love teams.

Maliit lang ang mundo ng showbiz at posibleng sa hinaharap ay makatrabaho ni Kathryn sina James at Nadine. Kaya mas okay kung magiging masaya ang Mommy ni Kath sa success ng iba.

Imbes si Kathryn ang sabihang lumalaki ang ulo dahil sa tindi ng success na tinatamasa ngayon ng Teen Queen, ang Mommy niya ang posibleng mabatikos ng pang-iintriga at pagiging nega sa ibang Kapa-milya stars.

Sure ako na wala nang dapat patunayan pa ang KathNiel tandem dahil sobrang lakas nila sa pelikula man, TV shows, concerts, albums, at kapwa mara-ming endorsements ang dalawang young stars.

Ang taas-taas ng ratings ng Pangako Sa ‘Yo at kabilang kami ng kids ko sa tumututok di-yan. Kaya, dapat ang focus ay pangalagaan ang careers nina Kathryn at Daniel dahil sila ay kabilang sa gold mine ng Dos at huwag nang maging nega pa sa ibang love teams.

ALAM Mo NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …