INILABAS namin dito sa Hataw kahapon ang official statement ng management company ni Robin Padilla na nag-withdraw ang aktor sa sa pelikulang Nilalang na pagsasamahan sana nila ni Maria Ozawa produced ng Haunter Tower Productions na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.
At dahil sa terminong ‘withdraw’ ay iisa ang naisip ng lahat, umatras, hindi na itutuloy, umalis na si Robin sa pelikula dahil nga sa maselang kalagayan ngayon ng asawang si Mariel Rodriguez-Padilla na nakatakdang manganak daw ng Nobyembre ngayong taon.
Hindi nagustuhan ni Ozawa ang desisyong ito ni Robin kaya nag-post siya sa kanyang social media account na ‘unprofessional’ daw ang aktor.
Post ni Maria, “It’s not that I really wanted to film w/ Robin, but I think it was so unprofessional of him to call it off 10 days before the shooting starts. I feel so sorry for the film, director’s, staff etc.”
Hindi naman ito pinalampas ni Robin dahil nag-post din siya sa kanyang IG account kahapon ng umaga, “@robinhoodpadilla, A Man who does not spend time with his family can never be a real Man” — Vito Corleone (quote mula sa pelikulang The Godfather nina Marlon Brando at Al Pacino 1972) kasabay din ng litrato ng kaha ng sigarilyo.
“Health Warning has nothing to do with Vito Corleone, I chose CHE Cigarette to be my smokes in the Movie Nilalang, my character Tony is a chain smoker.”
Pero mukhang hindi pa nasiyahan si Robin dahil nagpalabas ulit ng paliwanag ang aktor sa pamamagitan ng kanyang manager na si Betchay Vidanes na hindi raw siya umatras sa Nilalang kundi nag-beg off lang.
Base sa panayam kay Betchay ng entertainment blog site na sabi raw ni Robin, “Nag-beg off lang ako, hindi ako nag-back out. Nakiusap ako sa kanila na hindi ko kayang pagsabayin. Ngayon, kung kaya nila akong hintayin, nandoon ako.
“‘Pag dumating ‘yung panahon, hintayin nila ako, stable na si Mariel, stable na ‘yung mga baby ko, nakapanganak na si Mariel, okay na ang mga anak ko, gagawin ko ulit ‘yung pelikula hindi lang ngayon.”
Base na rin sa pahayag ng aktor na kapag ‘stable’ na si Mariel at mga anak nila ay puwede na siyang mag-shoot at pagka-panganak nito sa Nobyembre.
Eh, di ba Ateng Maricris, sa Disyembre 2015 ipalalabas ang lahat ng entry ng MMFF? (Oo nga, ano ‘yun ilang araw lang gagawin?!—ED)
May deadline ang MMFF na kailangan tapos ang pelikula ng bandang November bago ipalabas ng December 25.
Paano pa makakapag-shoot si Robin kung after manganak ni Mariel ng Nobyembre rin?
Maliban na lang kung hindi na ito isasali sa 2015 Metro Manila Film Festival at on a regular screening na lang kaya siguro nasabi ng aktor na hintayin siyang mag-shoot.
FACT SHEET – Reggee Bonoan