NAPASAMA ang mom ni Kathryn Bernardo sa fans ni Nadine Lustre nang mag-tweet siya ng, “Guys, let’s be proud na tayo ang ginagaya mas masaya, ang mahirap ang nanggagaya=Ø”Þ=Ø”Þ #PSYPagtuwidSaNakaraan.”
Ang dating kasi ay ginagaya ang anak niyang si Kath ni Nadine. Nag-tweet din kasi si Nadine asking for support para sa pilot episode ng soap nila ni James Reid.
“#PSYPagtuwidSaNakaraan mamayang gabi na po, Kathcakes, Kathniels pls keep on tweeting, lets aim for the top nationwide and worldwide,” naunang tweet ng madir ng aktres.
Sinundan pa ito ng isa pang tweet, “Wow! Galing nyo KathCakes, Kathniels ang bilis, make it higher till midnight, kaya ba natin??? #PSYPagtuwidSaNakaraaan.”
Kinuyog ng bashers ang madir ni Kathryn dahil sa tweet niya.
“Nasa iisang estasyon na lang sila e aawayin pa nya yung ibang artista.”
“Kaya nagkakaroon ng fan wars eh! Tatanda niyo na pumapatol pa kayo! My gash kakahiya ka mader anong klase ka?! Im not a fan of jadine pero kung secured ka na sa status ng anak mo wala dapat ika insecure. Papano ginagaya eh diba ibang iba storya ng psy at otwol?! Remake kayo diba kaloka ka mader! Imbis na kumalma mga fans ayan kayo pa mismo nagpupush ! Bad ka mader!!!”
“Pathetic. Sya pa talaga nangunguna. Well sabagay, queen mother of Jeje Queen.”
Any comment, Mommy Min?
UNCUT – Alex Brosas