Thursday , December 26 2024

Negative kay VP Binay ang pakikipag-tandem kay Sen. Marcos

00 pulis joeyBANNER kahapon ng ilang pahayagan ang balitang inalok ni Vice President Jojo Binay si Senador Bongbong Marcos na maging running mate sa 2016 election.

Tama kaya si Binay sa kanyang desisyon? Baka naman nabigla lang siya o bunga lang ito ng kanyang pagkadesmaya sa pagkuha ng running mate sa darating na halalan sa panguluhan?

Sariwa pa sa isipan ng marami lalo ng matatanda na noong 1986 ay isa si VP Binay sa mga tumutuligsa at nanawagan sa kalye para palayasin ang mga Marcos sa Malakanyang.

Ang isinisigaw noon ni Binay, na noo’y isang human rights at militanteng abogado, laban sa mga Marcos  ay:  “Diktador! Magnanakaw! Layas!”

Kaya nga nang mapalayas ang pamilya Marcos sa Filipinas at maupong presidente si Cory Aquino, ang mommy ni PNoy, ay itinalaga si Binay ni Cory bilang Officer in Charge o OIC ng Makati City.

Since then… ilang presidente na ang nagdaan at may mga kudeta nang nangyari… pero ang pamilya Binay pa rin ang nakaupo sa Makati City. Ginawa niya ang ayaw na ayaw nya noon kay late President Ferdinand Marcos.

Tapos ngayon, gusto niyang maka-tandem ang anak ng pinalayas niya noon! Ano ito? Lokohan na…

Pero ang palusot dito ni VP Binay ay: “Let’s move on. May problema tayong kinakaharap ngayon!” Ngek!!!

E sino ba ang problema ngayon ng bansa? Ano ba ang problema ng Filipinas? Hindi ba ang mga corrupt na lider?! Ang grabeng korupsiyon sa pamahalaan?! Sila ‘yun!!!

Anyway, tingnan natin kung ano ang magiging reaksyon dito ng mamamayan kapag sila na nga ang maging tandem sa 2016! Tiyak pagpipiyestahan ito ng mga political analyst.

Abusadong empleyado ng POAS ng Muntinlupa City

– Joey, kami ang samahan ng Barangay Poblacion NBP-SVlll TODA dito sa Muntinlupa City. Nais lang namin isumbong ang di magandang gawain ng isang empleyado ng Public Safety and Order na si Cabalza. Pag ito ay tapos na sa kanyang duty, bibiyahe ng tricycle, ginagamit niya na sya ay empleyado ng City hall at panay ang kuha nya ng pasahero sa unahan ng pilahan. Wala na kami magawa mga officers ng TODA. Maski isumbong namin sa traffic enforcer ay di sya hinuhuli. Sana makarating kay Mayor Jimmy Frenedi ito. Salamat. – TODA officer

Kung totoo ang kompleyn na ito. Aba’y hindi naman tama ang ginagawa mong ‘yan, Mr. Cabalza. Dapat nga ikaw ang magsilbing modelo sa pila ng mga TODA d’yan.  Disiplina lang sa paghahanapbuhay, pare ko…

Salamat sa shuttle bus Makati City Acting Mayor Kid Pena

– Isa po akong taga-Makati City. Nagpapasalamat po ako kay Acting Mayor Kid Pena dahil sa ginawang shuttle bus ang mga bagong biling bus ng Makati. Malaking kahinhawahan po ito para sa mga empleyado ng Makati City hall. Mabuhay ka, Mayor Kid. – 09258014…

Lantarang bentahan ng shabu sa Basey, Samar

– Magandang araw, Sir Joey Venancio. Taga-rito po ako sa Brgy. Amandayehan, Base, Samar. Report ko po ang lantaran nang bentahan ng shabu dito sa amin. Sana po maaksiyunan na ito ng kapulisan. Kasi po walang aksyon ang barangay namin dito. Salamat po. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *