Tuesday , September 17 2024

Pinakabatang saké master sa mundo

081115 Akane Niikura sake master
KAPAG ang pinag-usapan ay ukol sa isang master brewer, agad na maiisip ang imahe nito na edad 21-anyos pataas at hindi isang batang hindi pa nakatuntong sa pagiging isang teenager, pero sa Japan, isang batang 10-taong-gulang ang pinarangalan bilang youngest certified saké connoisseur sa buong mundo.

Ang batang si Akane Niikura ay hindi nagsa-saké barhopping pero ang kanyang husay ay espesyal at hindi kasama ang paglasa sa batikang alak ng mga Hapones na ginawa mula sa kanin.

Gamit ang kanyang kakaibang pang-amoy at kaalaman kung ano ang tunay na sake habang ibinubuhos sa isang baso, nagagawa niyang piliin, nang hindi na kai-langan pang tikman, ang pinakamasarap para sa alin mang entrée.

Sa katunayan, pumasa si Akane sa pagsusuri ng Saké Service Ins-titute ng Japan nang hindi umiinom ng saké.

Ayon kay Yukio Oyake, may-ari ng isang tindahan ng sake sa Tokyo, tunay na ‘nakamamangha’ ang abilidad ng bata, na nasa ika-apat na baytang sa grade school.

Ang ina ni Akane ay may-ari naman ng isang saké bar at dito unang nalaman ng bata ang tungkol sa saké at nagkaroon ng hilig sa orihinal na Japanese rice wine.

Pagkagaling sa eskuwelahan, tumutulong ang fourth-grader sa mga gawain sa bar ng kanyang ina, kabilang na ang pag-rerekomenda sa mga kostumer ng kanilang iinuming alak.

Kung nabalitaan na ang tungkol kay Akane, dapat din malaman na siya’y su-mikat din sa kanyang husay sa pagluluto. Plano rin niyang magtayo ng sariling saké bar sa sandaling makapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral kaya nakatitiyak na kapag nasa edad na siya’y pipilahan ang sake sa kanyang itatayong restwaran.

Kaya maghanda na, saké bombs anyone?

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

ICTSI Mexico

Paglalayag sa bagong karagatan
Ang Kolaborasyon ng ICTSI Mexico-Philippines  at ang Pandaigdigang Epekto nito sa Ekonomiya 

SA PANAHON ng globalisasyon, krusyal ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang rehiyon para pahusayin ang kalakalan …

Bongbong Marcos PAPI 50th anniversary

PAPI marks Golden (50th) Anniversary

The Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) marks and celebrates its milestone Golden (50th) Anniversary on …

RRDIC-X upskills 72 proposal preparers to secure innovation fund

RRDIC-X upskills 72 proposal preparers to secure innovation fund

CAGAYAN DE ORO CITY—The Regional Research, Development, and Innovation Committee—X (RRDIC—X) organized a writeshop on …

RRDIC-X convenes for 3Q 2024 initiatives

RRDIC-X convenes for 3Q 2024 initiatives

CAGAYAN DE ORO CITY – The Regional Research, Development, and Innovation – X (RRDIC – …

Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Palawan Group Naglulunsad ng Global Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Ikinararangal Ang Palawan Group of Companies, ang nangungunang pawnshop at money remittance company sa bansa, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *