SIMPLE pero masaya naming nairaos ang 12th year anniversary ng Police Files TONITE last Saturday.
Maraming salamat sa mga kaibigan na hindi nakalimot magpadala ng mga pagkain lalo kina Senadora Grace Poe at Cynthia Villar sa kanilang walang kamatayang “pansit pansit.”
Pampahaba raw ng buhay. Hehehe…
Maraming salamat din sa mga kaibigang naglagay ng ads. Malaking tulong para sa aming pondo. Hehehe…
Higit sa lahat maraming-maraming salamat sa aming mga suki. Kung wala sila, hindi kami aabot ng isang dekada sa napakagastos na negosyong ito ng pagdidiyaryo.
Maraming salamat po sa inyong lahat, mga boss… Cheeersss!!!
Nagtaasan ang presyo ng drum mawawalan kasi ng tubig!
– Boss Joey, simula bukas (ngayon) ang kalbaryo ng taumbayan sa supply ng tubig. Malakas na naman ang bentahan ng mga drum ngayon. At di lang drum ang mabenta ngayon, pati trak ng bumbero magbebenta na rin ng tubig. Kaya ko nasabi ‘yan, dito kasi sa lugar namin kapag summer marami rito ang nagsu-swimming imbes mag-outing. Umaarkila sila ng pool at ang tubig nanggagaling sa trak ng bumbero. P200 pataas ang benta, depende sa laki ng pool. Di ba bawal ang magbenta ng tubig ang trak ng bumbero? – Juan ng Tondo
Totoo ito. Kapag napabalitang magkaroon ng water interruptions nang ilang araw, tiyak magkakaubusan ng drum o malalaking balde kahit doble presyo na sa mga pamilihan. Ang misis ko nga kahapon, galon na lang ang nabili sa Divisoria kasi wala na raw malalaking balde.
Police visibility kailangan sa mga iskul sa Norzagaray, Bulacan
– Sir Joey, report ko po dito sa Norzagaray, Bulacan, ang eskuwelahan ng elementary at high schools ay naturingan na malapit sa munisipyo pero wala kang makikita ni anino ng kahit isang pulis lalo ‘pag pasukan at labasan ng estudyante. Napakadelikado dito lalo malapit sa kalsada, dambuhalang mga trak ang dumadaan at sasakyan. May nadukot at nasagasaan nang bata dito. Sana naman magtalaga ang Nozaragay Police ng kahit isang tauhan nila dito para sa seguridad ng mga mag-aaral. Salamat po. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Concerned parent
Mayor Erap, paluwagin n’yo naman ang Blumentrit!
– Panawagan lang po namin kay Mayor Estrada at sa mga pulis sa Blumentritt PCP: Paki-ayos naman ninyo ang magulong Blumentritt Market mula sa vendors at mga abusadong tricycle drivers na umuukopa at nakaharang sa gitna ng mga kalye, kaya hirap dumaan ang mga namimili at sasakyan. Hindi naman ganyan nun panahon ni Mayor Lim eh. – Concerned citizen
Hindi naman kailangang si Mayor Estrada pa ang mag-utos para paluwagin sa vendors at mga nakabalandrang tricycle ang kalye ng Blumentritt. Ano ang ginagawa ng mga taga-DPS, MTPB ng Manila City Hall at Traffic Police ng MPD? Trabaho nilang ayusin ang kalye sa trapiko at anumang obstructions. Ang kalsada ay para sa mga sasakyan at commuters. Ang vendors ay may tamang lugar para sa kanila. Disiplina lang po ang kailangan sa kanila. Aksyon, mga opisyal ng City hall at MPD Traffic! Kayo rin? Baka matalo ang mayor nyo sa 2016 dahil sa kapabayaan ninyo? Tandaan: Ang inyong performance ay nagre-reflect sa kasalukuyang nakaupong alkalde. Kilos na!
Sumbong pa vs ‘BIR Examiner’ sa Bacolod City
– Mr. Venancio, I have just read your news item in (Police Files) Tonite dated Aug. 8 ‘Kalokohan sa BIR Bacolod’. I am a small businessman and also a victim of BIR Examiner “PSM” and her boss, demanding million of pesos and threats to close shop. Please iparating kay Comm. Kim Henares at Sec. Purisima ang bagay na ito. Thank you! – Concerned businessman of Bacolod City
Dumarami ang lumalabas na reklamo laban sa BIR Examiner na ito at sa kanyang boss sa Bacolod City. Yari kay Comm. Kim Henares ito.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]