APAT na pinakamalakas na “power lifter” ng bansa ang ipadadala ng Powerlifting Association of the Philippines sa 15th Sub-Junior at 33rd Junior World Powerlifting championship sa Prague, Czech Republic sa darating na Agosto 30-Setyembre 6, 2015.
Ang pagsalang sa kompetisyon ay may basbas ni Powerlifting Association of the Philippines president Ramon Debuque at Eddie Torres na sinusuportahan din ng PSC president Richie Garcia.
Ang mga qualified na local lifter na bubuhat sa Praque ay sina Joan Masangkay, Jeremy Reign Bautista, Jasmine Martin at Regie Ramirez na pang-limang sabak na sa World Powerlifting Championship. Ang huling salang niya noong July 20-25 , 2015 sa Queen Elizabeth Stadium sa Hong Kong na kung saan ay humakot ang mga Pinoy ng 35 Gold, 34 Silver at 3 bronze.
Pinangungunahan ang Philippine contigent ni 16-year old Joan Masangkay na kamakailan lang ay nagtala ng bagong rekord sa Asian sa Squat-100kg, Bench Press-50kg, Deadlift-105kg at Total-225kg.
Sumungkit siya ng 3 gold medals at 1 silver.
Ang grupo ng local lifters ay ititimon ng magagaling na coaches tulad nina Head coach Aspi Calagopi, Betina Bordeos, assistant coaches Allan Paje, Roberto Gayanes, Tony Koykka at Cirilo Dayao.