Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasal ni Iwa kay Mickey, annulled na

080915 iwa moto mickey ablan

00 fact sheet reggeeNAPAWALANG-BISA na ang kasal nina Iwa Moto at Mickey Ablan kaya masayang-masaya ang aktres nang matanggap niya ang resulta noong Biyernes.

Ikinasal sina Iwa at Mickey noong Oktubre 2009 sa Cavite na pilit itinago ng dalawa dahil sa kani-kanilang career, pero pagkatapos ng isang taong pagsasama ay naghiwalay na kaya’t umamin na rin ang aktres na totoong ikinasal sila.

Kuwento sa amin ng taong malapit kay Iwa, talagang nagsisigaw daw sa tuwa ang aktres dahil ang tagal niyang hinintay iyon.

In fairness, pareho naman daw sina Iwa at Mickey na nag-file ng annulment at cooperative sila sa isa’t isa kaya napawalang bisa na ang kasal pagkalipas ng anim na taon.

Tinanong namin ang taong malapit kay Iwa na ngayong single na ito ay posible bang  magpakasal sa boyfriend at ama ng kanyang anak na si Pampi Lacson?

“Ay hindi pa, kasi hindi pa naman annulled ang kasal nina Pampi at Jodi (Sta. Maria),” sabi sa amin.

Oo nga pala, si Jodi ang girlfriend ngayon ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla na naghihintay lang din siguro kung kailan naman magiging libre ang aktres.

At para sa kaalaman daw ng lahat ay maganda ang relasyon nina Jodi, Pampi, at Iwa kaya walang problema sa kanila at wala ring nababasang isyu.

Naisip namin bigla na hawig pala sa kuwento ng Pangako Sa ‘Yo ang kuwentong pag-ibig nina Jodi bilang si Amor Powers, Pampi bilang si Eduardo, at si Iwa bilang si  Angelica Panganiban na gumaganap bilang si Claudia.

Ang pagkakaiba lang ay hindi ikinasal sina Amor Powers at Eduardo at hindi rin magkabati sina Claudia at Ms Powers.

Samantala, balitang nagpapagawa na rin daw ng sariling bahay si Pampi para sa future family niya dahil sa ngayon ay nakatira siya sa bahay ng magulang niya na si Senator Pamfilo Lacson.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …