Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bold picture ni Teejay, nakuha sa ninakaw na iPhone 6

021215 Teejay Marquez

00 fact sheet reggeePINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga bading ang hubad na katawan ng aktor na si Teejay Marquez sa social media na akala namin ay peke lang, totoo pala.

Ayon mismo sa manager ni Teejay na si katotong John Fontanilla, nawala raw ang cellphone ng aktor na Iphone 6 sa Luneta isang buwan na ang nakararaan.

“May kausap kasi siya noon sa cellphone, tapos binuksan niya ‘yung bintana ng kotse niya, hayun inagaw, wala na siyang nagawa,” kuwento ng katotong John.

Nagulat ang manager ni Teejay dahil matagal na raw nawala ang cellphone at ngayon lang na-upload, siguro nalamang artista ang may-ari.

Oo nga, kung hindi naman kilala si Teejay ay hindi naman pag-aaksayahan ng panahon ng nagnakaw na i-upload ito sa social media.

“Check ko nga ‘yung litrato.  Tinetext ko si Teejay hindi pa sumasagot, siguro tulog pa,” sabi pa ng katotong John.

Ayon sa nag-upload na tila nanakot pa, “@teejaymarquezscandal, Remember your lost Iphone more pics soon clearversion.”

Kung iintindihing mabuti ang sinabi ng nag-upload ay parang gusto niyang tubusin ni Teejay ang cellphone niya para hindi ilabas ang iba pang litrato ng aktor.

Hindi naman sinagot ng manager ni Teejay kung anong plano nila sa nawalang cellphone at kung makikipagkita sila sa kumuha.

As of now ay may hinihintay na project si Teejay mula sa Kapamilya Network at sa susunod na buwan daw ay nasa Indonesia ang aktor dahil gagawa siya ng TVC at pelikula.

“Sumikat kasi siya roon (Indonesia) sa pagda-dubmash niya kay Miley Cyrus (‘Twerk it like Miley’),” sabi ng katotong John.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …