Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, nami-miss na ang pagrampa sa kalsada

062515 vice ganda

00 fact sheet reggeeNAKABIBINGI ang sigawan ng mga dumalo sa ginanap na KeriBeks 1st National Gay Congress nang lumabas si Vice Ganda sa entablado ng Smart Araneta Coliseum bilang isa sa performer. Kaya naman ng makausap si Vice ng TV reporters ay overwhelmed din siya sa mainit na pagtanggap ng kapwa niya beki.

“Eh, kasi nga nakikita nila ‘yung sarili nila sa akin. Binibigkas ko ‘yung lengguwahe nila, ikinikilos ko ‘yung galaw nila, ‘yung tibok ng puso nila, takbo ng utak nila, ganoon ako, ;di ba? Nakikita nila ‘yung sarili ko,” katwiran ng TV host/actor.

Nabanggit pa ni Vice na kaya siguro siya gusto ng karamihan ay dahil isa rin siyang common na bading. “Isa akong common na bakla na nakikita nilang nagba-volleyball sa kalsada, kumakain sa kalsada.

“Ang hindi ko na lang nagagawa ngayon ay ‘yung rumampa sa kalsada kapag madaling araw kasi napapagalitan na ako,” saad pa nito.

Kaya ang payo niya sa mga kabaro niya, “stay in power, stay believing in yourself, kung anong kakayahan ninyo, ipakita sa buong mundo dahil mayroon tayong puwang sa lipunang ginagalawan natin.”

May magandang nangyari sa Keribeks 1st National Gay Congress, “marami, nakakalakas ng loob ‘yung makita mo kung gaano karaming taong katulad mo, kung gaano karaming iisang lenguwahe, katulad mo kung gaano karami at hindi ka nag-iisa at huwag matakot kung bakla ka dahil maraming katulad mo.”

May chance ba ang mga bakla sa kanilang pakikipaglaban, “oo may chance, ‘di ba may chance na nakikita ninyo na ngayon na ang isang bakla sa telebisyon na nagbibida-bida na hindi naman natin nakita ‘yun. Kaya ‘yung tagumpay ko ngayon ay maaaring maging tagumpay din ng ibang bakla in the future.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …