Sunday , December 22 2024

Albie Casiño, ayaw nang pag-usapan si Andi Eigenmann

080715 Albie Casiño Andi Eigenmann

00 Alam mo na NonieAMINADO si Albie Casiño na kabado siya sa ginanap na press conference ng bagong teleseryeng On The Wings of Love last Monday. Isa si Albie sa casts ng upcoming primetime series na ito nina James Reid at Nadine Lustre.

Ayon sa 22 year old na aktor, nag-aral siyang muli kaya huminto muna sa pag-aartista. Pero naisingit daw sa sched niya ang naturang serye dahil bakasyon muna sila sa school.

“Nagkaroon naman ako ng mga offers before, pero hindi ko lang talaga tinatanggap kasi, pumapasok ako. Pero since mahabang break at sa August 24 pa ang pasukan namin, sabi ko, ‘Why not? Tanggap na rin tayo.’”

Sinabi rin niya kung bakit siya kinakabahan sa pagharap sa press nang hapong iyon.

“I don’t like being put on the spot. That’s why I don’t like press conferences and stuff. It’s very hard for me. I have hard time answering. I have ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) also, so natataranta talaga ako, napi-pressure ako. A lot of cameras, a lot of people…

“Now I’m older, I understand na there’s nothing I can do that will change people’s perception of me until they actually meet me. So why stress about it? Mas lalo lang akong mai-stress, mas lalo lang akong may napag-iisipan.

“Ang dami ko na ngang iniisip palagi dahil sa ADHD, so sinabi ko let’s just stop trying to please everyone and just be a good person na lang. Eventually I’m sure that now I’m visible again, makikita ng people na I’m not really a bad guy.”

Hinggil naman kay Andi Egenmann, paano kung magkita sila sa bakuran ng Kapamilya Network?  ”I’ll just cross the bridge when I get there,” nakangiting sagot niya.

Sinabi rin ni Albie na close book na raw ang ukol sa kanila ni Andi.

“Now I can close that book on my life. It’s over. Time to move on. To be honest, I don’t like to talk about it but I’m not scared to talk about it or anything. I just rather not because it’s in the past. It’s just bad memories, it’s a bad experience, I don’t really want to think about it anymore.”

Nang kunin ang comment niya sa balitang DNA test ng anak ni Andi, ito ang sagot niya. ”Unless it’s my own first hand knowledge, ayaw ko siyang pag-usapan at wala namang nagsabi sa akin na nangyari iyon. Like no one is contacting me, telling me all of this. I learned all of this from you guys. I don’t want to make assumptions based on things that are said.”

Ang On the Wings of Love ay magsisimula na sa Aug. 10 (Monday) at mapapanood pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo. Sa direksiyon nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin, kabilang din sa casts sina Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casino, Nanette Inventor, Nico Antonio, Jason Francisco, Nhikzy Calma, Cherry Pie Picache, Isay Alvarez at Katya Santos.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *